Kabanata 27

2253 Words

Madaling araw na natapos ang selebrasyon. Gayunpaman, maaga pa rin akong nagising sa parehong araw. Tulog pa si Ray noong bumaba ako. Si Nay Betty ang nadatnan kong gising na kaya kami ang nagsabay sa maagang almusal. Matapos nito, tinulungan niya ako na magluto para sa tanghalian namin ni Xavion. "Noon pa po ay sinasabi na namin na kumuha na kayo ng makakasama, Nay. Hindi na kinakaya ng tuhod ninyo ang lahat ng gawain dito sa bahay." Mahaba kong litanya nang mapansing nananakit na naman ang tuhod niya. "Nasanay na akong mag-isa sa lahat ng gawain, hija. Hayaan mo at kapag nagtuloy ang ganito ay kukuha na ako ng makakasama." Pinagpahinga ko siya matapos ayusin ang mga paper bag na dadalhin. Dalawa ang inihanda ko, isa sa tanghalian namin ni Xavion at ang isa ay meryenda para kay Sonny.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD