“Pauwiin mo ako.” Kanina pa ako nangungulit kay Arken na pauwiin ako. Kahit maayos na ang usapan namin tungkol kay Vander, hindi ibig sabihin no'n ay mananatili na ako rito. Wala pa rin akong ni katiting na tiwala sa kanya. Paano kung barilin niya ako habang natutulog ako para masolo na niya si Vander? Nagtext na ako kay Vaughn at napilitang magsinungaling sa kanya na nasa bahay ako ng kaibigan ko. Pumayag naman siya at sinabing siya na ang bahala kay Vander pero nakokonsensya ako, ayoko naman talagang magsinungaling sa kanya, pero ayaw ko rin namang sabihing na kay Arken ako, baka sugurin niya pa 'to ng baril at magkabarilan na talaga sila. “Hoy, Arken Zaviere!” Napabuntong hininga na lang si Arken at padabog na inilapag ang kutsilyo at tinidor sa plato niya saka malamig na tumingin

