Pakiramdam ko ngayon lang ako nahalikan sa buong buhay ko. Ilang taon na rin yata ang nakakalipas nang huling beses na may humalik sa labi ko, at si Arken din 'yon. Pakiramdam ko mamamatay ako na si Arken lang ang nakahalik sa 'kin nang gano'n. Hindi ko alam, pakiramdam ko hindi masamang ideya 'yon. Napailing na lang ako at napayakap sa unan at isinubsob ang mukha ko ro'n. Hindi ako makatulog kakaisip sa mga pinaggagawa ng Arken na 'yon. Imbis na si Vaughn ang isipin ko dahil sa pagreject niya sa 'kin, si Arken ang naiisip ko dahil sa hindi ko malamang dahilan. Pero sa totoo lang, sa unang pagkakataon, nagpapasalamat ako na si Arken ang nasa isip ko ngayon. Masasaktan lang ako kapag hahayaan ko na mamahay si Vaughn sa isip ko. Napabuntong hininga ako at tila wala sa sariling napahawak s

