Mas pinili ko na lang na hindi seryosohin ang sinabi ni Arken. Aminado ako na kinakabahan ako. Malaki ang posibilidad na kuhanin niya talaga sa 'kin si Vander, kapag nangyari 'yon, wala akong choice kundi ang humingi ng tulong kay Vaughn. Siya lang ang kilala ko na kaya akong matulungan, at kayang kalabanin si Arken. Siguro kakapalan ko na lang ang mukha ko. “Is there something bothering you?” Napatingin ako kay Vaughn nang umupo siya sa tabi ko saka inabutan ako ng baso na may lamang gatas. Napangiti na lang ako at kinuha 'yon. Alam na niya talaga ang kailangan ko kapag hindi ako makatulog. “Wala naman, hindi lang ako makatulog,” pagdadahilan ko na lang saka ininom ang gatas. “You're absolutely lying, Dr. Macarios. Nagpupunta ka rito kapag marami kang iniisip, lalo na nung mga pana

