Hindi ko alam kung dapat na ba akong kabahan. “Papa, bakit po ang tahimik mo?” tanong ni Arkia habang nakatingin kay mayor. Hindi sumagot si mayor at basta na lang pumasok sa silid namin habang dala ang bag namin. Nagtatakang napatingin naman si Arkia sa 'kin. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya saka kinuha ang bag niya at hinawakan ang kamay niya. Pumasok na lang kami sa kwarto niya at inayos ko na lang ang mga damit niya. “Mama, galit ba sa 'kin si Papa?” tanong ni Arkia saka kumapit sa braso ko. Napatigil naman ako sa pag-aayos ng mga damit niya saka hinarap si Arkia. “Hindi galit ang Papa mo sa 'yo, naii-stress lang talaga siya dahil marami siyang naiwang trabaho,” sabi ko na lang saka marahang hinaplos ang pisngi niya saka ngumiti sa kanya. Tila wala ako sa sarili ko nang luma

