Chapter 3

1077 Words
"Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa akin, Manang Milda. Wala ng akong natitirang pamilya at si Misty na lang ang mayroon ako pero pati siya ay nawala na rin. Pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko. Hindi ko na yata kayang maging masaya, Manang. Hindi ako makakapayag na hindi niya pagdurusahan ang mga ginawa niya. Gagawin kong miserable ang buhay niya. Hindi ako makakapayag na ako lang ang magdurusa," saad ni Sir Sky na may bahid pang pait sa tono ng kaniyang boses. Sa tono pa lang nang pananalita niya ay mukhang kailangan ko nang maghanda dahil tiyak na pahihirapan niya ako ng husto. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong wala itong kagana-gana dahil na rin sa naririnig ko ang pananalita niya habang kausap niya si Manang. "Sky, hindi ba't sobra naman yata iyang ginagawa mo? Aksidente naman ang nangyari hijo, kaya 'wag mong ibuntong sa kan'ya ang lahat ng sisi." "Manang, kasalanan niya 'yon! Sino ba ang kinakampihan mo sa amin? Si Misty ang nawala kaya dapat ay magalit ka sa rin sa babaeng iyon. Para mo na ring anak si Misty, Manang! Kung hindi lang sana niya piniling magpasagasa ay hindi ito mangyayari sa kaniya. Sana ay nandito pa rin si Misty sa tabi ko. Namatay siyang malung—" bigla siyang huminto at hindi na nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, sa halip ay bigla ko na lamang narinig ang isa pa n'yang sinabi. “Manang, iwan niyo na muna ako gusto ko munang magpahinga." "Sige, hijo magpahinga ka na muna pero nais kong maliwanagan ka at malaman mo na naiintindihan kita. Kagaya mo ay nasasaktan rin ako para kay Misty pero huwag mo sanang hayaan na lamunin ka ng galit. Namimiss ko na ang dating Sky, gusto kong bumalik ka na sa dati, anak. Wala na akong ibang nais kung hindi ang maging masaya ka, pero hindi mo 'yon makakamtan hangga't hindi ka nagpapatawad." Sobrang mahal niya talaga ang kaniyang nobya at ito ang dahilan kung bakit palagi ko siyang naririnig na umiiyak. Parang pinipiga ang puso ko kapag naririnig ko siyang naghihinagpis. Nang makalabas si Manang ay tulala ako sa gilid ng pinto. Alam kong papalabas na siya ng pinto pero hindi ako makagalaw. "Tiny, ano'ng ginagawa mo rito? Nakikinig ka ba sa usapan namin?" hindi ko magawang sumagot sa tanong ni Manang nang makita niya ako. "Halika na dahil baka mahuli ka pa ni Sky, sa susunod at huwag na huwag mo na itong uulitin." Nagmamadali naman si Manang na hilahin ako pababa at sinabi rin niyang lasing na naman si Sir. Sky kahit umaga pa lang. Nang matapos ang mga gawain ay umakyat na ako para makapagpahinga sa aking kwarto. Nasa tapat na ako ng aking kwarto nang makita ko namang lumabas si Sir Sky mula sa kaniyang kwarto. Gusto kong umiwas pero huli na ang lahat. Balak ko sana siyang balewalain at didiretso na sa loob ng aking kwarto nang bigla niya akong hinawakan sa aking pulsuhan. Mahigpit ang paghawak niya sa akin saka ako marahas na hinila. "S-sir, a-ano pong k-kailangan mo?" natatakot at nauutal kong tanong. "Gusto kong mawala ka na sa buhay ko!" Nanlaki ang mata ko dahil sa labis na takot na aking nararamdaman. Nakikita ko rin sa mga mata niya na seryoso ito sa kaniyang sinabi. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapalunok at yumuko. "K-Kung iyan lang ang tanging paraan para makabayad ako sa aking kasalanan, handa na akong pagbayaran ang naging pagkakamali ko. Wala na rin namang silbi ang buhay ko kahit patayin mo pa ako dahil wala na rin naman nang maghahanap pa sa akin. Malaya kang gawin kung anong gusto mong gawin sa akin. Kung ano man ang sa tingin mong tama para mabayaran ko ang kasalanan ko," naluluha kong sabi pero pabalibag niya akong binitiwan. Nakita ko pa ang kaniyang pagngisi. "Hmm, not so fast. Darating din tayo riyan pero kapag nagsawa na ako sa 'yo,” aniya niya saka muling ngumisi. "Kung galit ko lang ang masusunod ay siguradong hindi ka na humihinga ngayon. Ayaw ko pang putulin ang pagdurusa mo habang patuloy akong nahihirapan. Tandaan mo yan. Just be patient!" dagdag niya pa at nakingising hinaplos ang aking pisngi saka iniwang nanginginig ang aking labi. Luhaan ang mga mata ko at halos hindi na rin makahinga dahil sa kaba. ****** "Tiny, aalis ako. Isasama ko si Nelia. Huwag kang mag-alala dahil nandiyan naman si Betty at ang iba. Kapag may tanong ka ay itanong mo sa kanila. Huwag kang mag-alangan at kung maari ay iwasan mo munang makasalubong si Sky... Susubukan rin naming maka-uwi agad, " saad ni Manang. "Tiny, pasenya na, kung pwede ka lang sana naming isama ay isasama ka namin kaso alam mo namang pinagbabawal niyang lumabas ka,” dagdag pa ni Manang kaya pinakitaan ko na lamang siya nang pilit na ngiti. "Okay lang po, Manang. Naiintindihan ko naman po." "Napakabait mo talagang bata ka. Oh, siya sige dahil baka gabihin pa kami. Kung sakaling hindi kami makaabot sa oras pwede ba'ng magpatulong ka na lang sa iba para magluto ng hapunan?" nakangiting sabi ni Manang kaya nakangiti naman akong tumango. "Opo," tugon ko rito. "Marunong ka ba'ng magluto ng pata?" tumango ako ulit. "Mabuti naman kung gano'n. Iyon ang isa sa mga lutuin mo para hindi siya lalong magalit. Paborito niya kasi iyon at ikaw na ang bahala sa iba," aniya pa. Umalis na sina Manang pero nakatatak pa rin sa akin ang lahat ng ibinilin niya. Gabi na nang maka-uwi si Sir Sky galing sa kung saan. Agad akong pumasok sa kwarto ni Nelia para roon magtago bago tawagin si Sir Sky para sa hapunan. Ilang sandali lang ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Sir Sky na tinatawag ang pangalan ko. "S-sir?" natatakot kong tanong. "Saan ka galing?" kunot-noo niyang tanong sa akin. "S-Sa ano po sa—" bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay pinutol na siya ako. "Go to your room now!" pagalit niyang sabi. Nataranta akong sumunod sa utos niya. Wala pa akong kain at kumakalam na ang sikmura ko. Napahinto ako malapit sa pintoan ng dining area at saka nanghihinayang na tiningnan ang masasarap na pagkain sa mesa. Kahit gutom ay hindi ko kayang magreklamo, wala akong magawa kung hindi ang tuluyan na lang na bumalik sa aking kwarto. Sa bahay na 'to siya ang batas. Lahat nang salita niya ay nasusunod. Walang sino man ang naglakas loob na tutulan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD