Malapit ng matapos ang huling buwan ng taong ito. Nasa isipan ko pa rin ang kahilingan ko kay Onse. Ang maging akin siya hanggang December kaya ngayon ay sumuko na talaga ako. Wala na kaming komunikasyon pa. Sa nalalabing araw ng mga taong ito ay madalas kong makita ng personal si Tikoy. Napapangiti ako pagka't napapaisip ako. Maaring may ipinapahiwatig ang tadhana at siguro ay oras na para mapalitan ko si Onse. “Saan ang punta mo kanina?” Text ko kay Tikoy matapos akong mag-post na pareho kami ng color nang outfit. “Hindi ka lagi namamansin kanina?” “Kasama ko kasi ang nanay ko at pareho lang tayo na introvert kapag kasama ang family.” “Kailan kaya tayo magkikita?” “Gusto ko rin pero baka mag-away na naman kayo ni Onse!” “Ilang linggo na kaming hindi magkasama.” Nakita ko nga siya

