Welcome to Institute of Psychiatric and Behavioral Managament, ito ay sangay ng bago ko lamang na nabanggit hospital at dito magaganap ang aming exposure. “Students, samahan ninyo ako at para maikot ninyo ang iba pang bahagi ng institution,” sabi ng isang Psychiatric nurse. Nagtungo muna kami sa Crisis Intervention Area kung saan naroroon ang mga pasyente na under observation pa. Malalaman kong sila ba ay dapat na maging admitted o kailangan lang na panandalian na malagay sa observation. Bago naman mapapauwi ang pasyente ay kailangan din silang dumaan muna roon. Mayroong naglalakad nang pabalik-balik, tumatawa, maingay, tahimik sa isang tabi, umiiyak, nanlilisik ang mata at iba pang behavior na makikita. Matapos naman ang aming orientation ay nagtungo kami sa kulungan ng mga patient. U

