Matapos ang lahat ay naging maayos na naman kaming dalawa ni Onse. Isang segundo lang kasi kaming magkaroon nang usapan o magkatinginan nang mabuti ay hindi na kami mapaghiwalay. Magkasama na naman kaming dalawa ngunit hindi sa iisang bahay. Maaga akong gumising pagka't aking kaarawan at hindi karaniwan na araw. Maaga akong gumising dahil sa ngayong araw mangyayari ang unang clinical exposure namin sa semester na ito. Nasasabik talaga ako sa aming duty kaya kumpleto ang aking paraphernalia at puting-puti ang plantsado kong uniporme. Wala pang masasakyan kaya pahirapan talaga. Hindi naman ako nahuli sa tagpuan ng aming grupo. Ang aming grupo ay makikisabay sa isa pang grupo. Ang grupong ito ay may nahanap na van bago ang araw na ito. Ito ay ang grupo nina Madam Sarosa, Celeste, Ate Kylie,

