Ipinakilala ko nga pala sa inyo ang boardmate ko na super close ko na ngayon. Siya ay walang iba kundi ang tinutukoy ni Freya na senior high. Madalas kasing humiram ng gamit si Kuya. Opo, Kuya kasi mas matanda siya sa akin. Nang dahil din sa wala akong makausap ay kinilala ko siya. Siya po ay si Arwan Sadrino, siya po ay may kasintahan na kaniyang dinala noong isang gabi rito. “Alam mo gusto kong mag-Nursing din pero parang mahirap,” sabi niya habang kami ay nasa sala ng bahay. “Kakayanin mo naman siguro.” “Parang tuition ang hindi ko kakayanin.” Siya ay isang masiyahin kaya maingay siyang tao. Lahat ng mga tao sa boarding house ay nakakausap niya sa buong araw. Ang ipinagtataka ko lang ay puro kalibugan at kabaklaan ang kaniyang mga sinasabi. Minsan ay napapaisip ako na siya ay bakla

