THIRD PERSON P O V Nagulat pa si Mitch nang makitang malapit nang matapos si Dax sa pagluluto nang dumating sila ni Dexter sa condo unit ng binata. Akala pa naman n'ya ay sila na naman ng Driver ang kakain ng hapunan. " Hi! " kiming bati ni Dax sa kan'ya nang malingunan s'ya nito, napa- singhap naman ang dalaga nang ngumiti ito ng matamis sa kan'ya. " H- Hello! K- Kanina ka pa? " nauutal namang usisa ng dalaga sa kan'ya " Boss! Lalabas muna ako, may nakalimutan akong bilhin. " paalam naman ni Dexter sa amo, nakutuban nito sigurong nakakaramdam ng awkwardness ang dalawa dahil sa kan'ya. Kaya kailangan n'ya itong bigyan ng oras para maging close sa isa't isa. Sa tagal naman n'ya kasing Driver kay Dax ay hindi lamang Boss and Employee ang turingan nila. Naging magkaibigan na rin sila da

