THIRD PERSON P O V Pag sapit ni Mitch sa office ng HR Manager ay nandoon na Ang mga group mates n'ya, kadarating lang din daw nila. Kaya naman itinuro na sa kanila kung saan sila naka- assign na department. At laking gulat ni Mitch nang malaman n'yang sa office s'ya ni Daisy mag- te- training. Kahit hindi naman n'ya sabihin ay matutuklasan din iyon ng kan'yang group mates. Kaya naman tinungo muna nila ang kani- kanilang mga assign department bago s'ya usisain ng mga ito. Nagtataka man kung ano ang gagawin n'ya roon ay wala na lamang s'yang naging opinyon, basta sumunod na lamang s'ya sa utos ng Manager. Kung tutuusin naman ay kahit mag walis sila ay susunduin pa rin nila dahil nga trainees lamang sila. Hindi pwedeng mag reklamo dahil naka- salalay rin sa HR Manager ang magiging grade

