_{PRINCESS's POV}_ "Hi, Wife? What are you doing? 'Di ba sabi ko sa 'yo, 'wag kang magpapagod?" sabi ni Luke saka ito yumakap sa aking baywang mula sa aking likuran, na hindi ko man lang namalayan ang pagdating nito at dahil sa hindi ko rin naman inaasahang darating ito ngayon ng maaga. Napangiti naman ako nang isiniksik nito ang mukha sa aking leeg, dahil sa medyo nakaramdam na rin ako ng kiliti. "Hey— stop it! Baka masunog 'tong niluluto ko, 'tsaka 'di lang naman ako ang nag prepare nito, eh, tinulungan kaya ako nina Manang Sylvia at Sarah, buti na lang dumating si Clinton— ayon may kalaro si baby Lucas. 'Tsaka may ipinakisuyo lang ako sa kanila, kaya hindi mo sila nakita ngayon dito. Isa pa, nakikinig naman ako sa asawa ko, eh, 'di ba? Kaya 'wag ka na po mag-worry, okay?" sagot ko na

