_{LUKE's POV}_ Nadito ako ngayon sa opisina at hindi makapag foccus sa aking trabaho, sabay sabay ang aking iniisip ngayon, ang problema sa kompanya, kay Sandra lalong higit sa aking asawa, dahil simula nung araw ng check up nito ay pansin ko ang mga pagbabago rito, hindi na masyadong umiimik at kahit ang mga pagkain na dati nitong nire-request ay hindi ko na naririnig dito, kahit ano na lang ang ihain sa harapan nito ay hindi na lang umimik, at kinakain naman kaso ang napapansin ko dalawa hanggang tatlong subo lang umaayaw na, nagpapahatid na lang ng gatas sa silid namin, pagkatapos uminom ng vitamins ay matutulog na lang, kapansin pansin ang kawalan ng sigla nito, na kahit nasa tabi lang ako ay para bang ang lalim palagi ng iniisip nito. Naalala ko pang bago kami pumunta kay Doktora San

