_{LUKE's POV}_ Tahimik lang akong nakamasid sa aking asawa na tahimik lang na nakupo sa isang bench na nasa garden, at mula sa aking puwesto ay kitang kita ko ang kabuoan nito, nang iwan ito ni Sarah kanina ay kita kita ko ang pag agos ng masagang mga luha sa mga mata nito, pagkatapos ay tumungo ito at hinaplos ang malaking umbok ng tiyan, na sa totoo lang ay ngayon ko lang din natitigan, dahil mula ng umalis ako rito limang buwan pa lang din ang tiyan nito at hindi pa ganyan kalaki, pero ngayon ay talagang kita na ang bilog na bilog nitong tiyan, tinitigan ko lamang ito, hanggang sa napakunot ang aking mga kilay ng matitigan ko ang itsura nito ngayon, na para bang ang laki na ng ipinagbago, kita sa itsura nito ang wari bang pagod na pagod na parang may iniindang sakit, na kahit ang scarf

