Hindi naman nagtagal ay may narinig akong dalawang beses na pagkatok pagkatapos ay bumukas narin ang pinto. Hindi ako lumingon sa bahaging iyon at talagang pinigilan kong huwag itong tingnan dahil ayaw kong makita nito ang nakakawa kong itsura. At ayaw kong isipin nito na isa akong mahinang babae na kahit ang totoo ay sa mga oras na iyon ay gusto ko ng mawalan ng pag asa sa paghihintay sa pinangako nito sa akin mula sa nakalipas. Naramdaman ko itong tumigil sa aking gilid at ramdam ko pang nakamasid lang ito sa akin. "What do you want? Nilinaw ko naman na sa iyo kanina diba? Na handa kong ibigay sa iyo ang kalayaan mo at hindi kita itatali sa isang papel na nag uugnay sa atin dahil lang sa isang kasundoan," usal ko ngunit hindi ito sumagot o kumibo manlang at nanatili paring nakatayo sa a

