SUMAPIT ang gabi. Ang oras ng pagkikita namin ng lalakeng kailangan kong pakakasalan. Naka upo ako sa harapan ng aking vanity mirror at tinititigan ang aking sarili at may kung anong pag-asa akong nakikita sa aking mga mata na hindi ko alam kung para saan. Nabaling naman ang aking tingin sa pintuan ng makarinig ako ng ilang mga pag katok. Bago pa man ako maka imik ay narinig ko na ang boses mula sa labas. Maya maya ay bumukas narin ito at iniluwa ng pintuang iyon si Kuya Vince.
"Hey! My Princess. How are you?" malambing na usal ni kuya Vince at tumayo ito sa aking gilid at tumingin din sa harap ng salamin hindi para tingnan ang sarili nito kundi para tingnan ako sa aking mga mata.
"I'm good, Kuya. Definetly good. Kung nag aalala ka parin dahil sa sitwasyon ko ngayon, Don't be Kuya, Ok? I'm totally fine and I'm ready for the outcome of this agreement. And also, I"m brave kuya, baka nakakalimutan mo," usal ko at saka ko ito binigyan ng magandang ngiti. Pansin ko namang bumuntong hininga ito bago ako inakbayan at marahang hinagod ang aking balikat. Pagkatapos ay ginulo ang aking buhok. Napaiwas naman ako para iiwas ko ang aking buhok na ginugulo nito pero tinawan lang ako nito pagkatapos. Maya maya ay nagpaalam na ito at tuloyan naring lumabas ng aking silid. Hindi naman na ako nagtagal mula ng maka alis si kuya at tumayo narin ako saka nagdesisyon na bumaba na sa living room dahil alam kong dumating narin ang mga bisita kanina dahil sa ilang tunog ng kotse ang aking narinig na pumasok sa loob ng bakuran ng mansyon.
"Hi hija!, Come here, Anak. Narito na ang ating mga bisita," mahinahong usal ni mom. Tumango lang naman ako saka lumapit sa tabi nito. Pansin ko naman ang pagtayo ng isang ginang bago ko pa man mailibot ang aking paningin sa mga taong narito ngayon sa aking harapan.
"Hi Hija! How are you? Hhmm..., They're right that you are really beautiful, Hija, at bagay na bagay nga kayo ng aming anak," malambing na usal ng ginang saka ito humalik sa aking tig kabilang gilid ng aking pisngi. Ngumiti lang ako ng tipid dito pagkatapos ay napabaling naman ang aking pansin sa isang matandang lalake na halos kaedadan lang ni dad, na tumayo at lumapit rin sa amin ng ginang at 1may malapad rin na ngiting nakapaskil sa labi nito.
"Finally! I've met you hija, my future daughter -in -law," usal naman ng matandang lalake na kaedadan lang ng aking daddy na lalo pang lumapad ang pagkakangiti nito. Tumango rin naman ako dito gaya ng ginawa ko sa ginang na unang bumati sa akin, at uupo na sana ako sa tabi ni mom ng muli akong napabaling sa matandang lalake ng magsalita uli ito, kaya napatuwid ako uli ng tayo at humarap dito.
"Hija, I want you to meet luke, our son. Your fiancé," usal ng matandang lalake at itinuro ang aking parting likuran. Kaya naman napasunod ako dito ng tingin. Ngunit ganoon nalang ang naramdamang pagkabog ng aking puso ng bumaling ako sa lalake na nasa bahaging likuran ng aking pwesto na tahimik lang at mariing nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa mga oras na ito ng matitigan ko ang mukha nito at kabuoan pagkatapos ay nakaramdam ako ng panginginig ng kalamnan at panlalamig ng katawan. Gusto ko itong dambahin ng yakap at umiyak sa dibdib nito at tanungin o alamin kung ano ang mga nangyari sa mga nakalipas na taon kung bakit hindi na ito bumalik o hindi na ako binalikan gaya ng pinangako nito sa akin. At gusto kong sabihin dito na umasa ako at naghintay, na hanggang ngayon ay patuloy paring naghihintay ang aking puso. Ngunit ang lahat ng gusto o ninanais kong gawin na tumatakbo sa aking isip ay agad nabura at napalitan ng kahungkagan ng aking puso ng matitigan ko ang mga mata nito na wala akong makita o ano mang bakas ng emosyon na gaya ng aking nararamdaman o pagkasabik na isinisigaw ng aking puso. Dahil ang tangi ko lamang nakikita sa mga mata nito ay ang kawalan ng pakialam o tanging madilim na anyo at ang pagtataka na bahagya pang nakakunot ang mga kilay. Pagtataka marahil sa nakikita nitong aking reaction. Napaisip naman ako na baka naman hindi ito si L.d, Ang lalakeng sampung taon ko ng pinananabikang mayakap, makita at muling maramdaman ang mga haplos nito. Ang lalakeng tanging pinag-alayan ko ng aking sarili, at ang lalakeng umpisa pa lang ay tumangay na sa aking puso, na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang ibang hinahangad ang aking puso na makasamang muli kundi ito lang, ang lalakeng nangako sa akin na babalikan ako at tuloyan ng aariin. Kung ang pag babatayan ang itsura nito ngayon ay masasabi kong hindi ito ang lalakeng matagal ko ng hinihintay na bumalik at balikan ako, pero kung ang pagbabatayan naman ay ang aking puso, kung pano ito tumibok sa mga oras na ito at kung paano nito isigaw ang pagkasabik ay masasabi kong si L.d na tumakay sa aking puso sampung taon na ang lumipas at ang lalakeng aking kaharap ay iisa lamang. At hindi ako puwedeng magkamali. Oo, maaaring nagbago na o malaki na ang ipinagbago ng itsura at kabuoan ng anyo nito pero hindi maaaring magkamali ang aking puso o hindi puwedeng hindi nito makikilala ang tanging lalakeng itinitibok at isinisigaw ng aking puso. Kaya alam kong sila, iisa ang lalakeng nakilala ko noon at ang lalakeng aking kaharap. Subalit bakit parang hindi ito kakikitaan ng pagkikilala para sa akin o bakit parang hindi manlang ako nito nakikilala o kahit mamukhaan manlang. Wala namang nagbago sa itsura ko mula noon hanggang ngayon maliban lang sa naging matured na ako. O hindi kaya tuloyan narin ako nitong kinalimutan o hindi kaya ay wala naman talagang katotohanan ang mga binitiwan nitong salita noon o ang mga pinangako nito. At marahil ay ako nga lang talaga ang umasa at patuloy na umaasa, na kahit ang namagitan sa amin noon ay wala lang talaga para dito, dahil lang sa lalake ito at may pangangailangan na sa mga oras na iyon ay ako lamang ang tanging babaeng napaglabasan nito ng init ng katawan o ginawa lang pampalipas ng oras. At sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan pang huwag tumulo ang aking mga luha, na kahit pigilan ko pa siguro ay kusa paring babagsak dahil sa sakit at kirot na nararamdaman ng aking puso. Oo, nasasaktan ako ngayon dahil sa mga tumatakbo sa aking isip dahil narin sa nakikita ko sa lalakeng aking kaharap na wala itong paki-alam o hindi ko makita sa mga mata nito ang aking importansya na hindi gaya noon na talagang ramdam ko at ipinaramdam nito ang aking kahalagahan, kahit sa maiksing oras o panahon lang.
"Hija, Anak. Are you ok? May problema ba? Tell me, Leizle. Bakit ka umiiyak?" mahinang usal ni mom na bahagya ko pang ikinapitlag. Agad naman akong napaayos ng aking tayo at mabilis na pinunasan ang aking mga luhang tumulo sa aking mga pisngi. Pagkatapos ay pasimple ako muling sumulyap sa lalakeng inaakala kong si L.d na lalo lamang kumunot ang mga kilay nito na waring lalo lamang itong nagtaka sa bagay na hindi ko alam kung bakit.
"Leizle?" mahinang usal ng lalakeng inaakala kong si L.d habang nanatiling nakakunot ang mga kilay at may seryoso paring tingin sa akin na lalo namang ikinakabog ng t***k ng aking puso dahil lang sa simpleng pagbigkas nito sa aking pangalan kaya naman muling nangilid ang aking mga luha mula sa aking mga mata.
"Yes Hijo, May gusto ka bang sabihin kay leizle sa aking anak na kayo lang? Puwede na muna namin kayong iwan dito," rinig kong mahinang usal ni mom habang nanatili parin ang aking tingin sa lalakeng aking nasa harapan. Kita ko itong tumayo ng tuwid at ipinamulsa pa nito ang dalawang kamay sa suot nitong denim jeans saka nagsalita.
"No need, Mrs. Montemayor. Because I have nothing important to say, I just remembered something. That's all," malamig na usal naman ng lalake sabay tumalikod na sa amin at tumungo na sa dining area laya naman napasunod nalang dito ang iba, maliban lang kay mom at dad na nanatili sa aking tabi. At sa pagkakataong iyon ay para lamang lalong kinurot ang aking puso at hindi na ako naka imik o kahit naka kibo manlang. Naramdaman ko naman ang pag yakap sa akin ni mom at rinig ko pa ang pagbuntong hininga ni dad. Hinarap ko naman ang mga ito saka ko binigyan ng malapad na ngiti para ipakitang ayos lang ako sabay punas ko narin sa aking mga luha, pagakatapos ay nagsalita na ako.
"I'm ok Mom, Dad. Don't worry about me. Let's go? They are waiting," mahinahon kong usal at pinipilit pa ring huwag manginig ang aking boses at manatiling matatag sa kanilang mga paningin. Tumango naman ang mga ito at nagsimula naring lumakad at sumunod sa akin papuntang dining. Naupo ako sa aking pwesto na katapat lang din ng sa lalake. Iniwasan ko nalang din na huwag akong tumingi o kahit magawi manlang ang aking tingin dito dahil hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot at kirot sa aking puso dahil sa wala manlang akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata nito. Kahit dama ko sa aking sarili ang walang gana sa pagkain ay pinilit ko nalang din an kahit paano ay makakain. Ramdam ko naman ang bahagyan nitong pagsulyap sulyap sa akin at bahagyang pagtitig na hindi ko naman napigilang hindi ito lingunin pero agad din naman akong naiwas dahil hindi ko rin kayang tagalan ang mga titig nito na walang makikitang kahit ano mang emosyon.
Natapos ang aming hapunan na halos wala rin akong gaanong naintindihan sa kanilang mga pinag-usapan. Maliban nalang sa idadaos ang aming kasal ay sa susunod na buwan na, at isang buwan lang ang magiging preparasyon para sa aming kasal. Tumayo na ako at agad naring nagpaalam sa aking pamilya na ngayon ay kasalukuyan naring mga nakaupo sa living room at ganoon din sa aming mga bisita para umakyat na rin sa aking silid. Ayaw ko ng magtagal pang kaharap ang mga ito lalo na ang lalakeng nagbibigay sa akin ng kung anong kurot sa aking puso sa mga oras na ito. Bago pa ako tuloyang maka hakbang ay sumulyap pa muli ako sa lalakeng aking nasa harapan at ganoon naman ang kalitohang aking naramdaman ng makita ko sa mga mata nito ang kung anong lungkot na nakapaskil doon, pero hindi ko nalang pinansin pa dahil naisip kong baka ako lang din ang nag iisip sa bagay na iyon na kahit ang totoo ay hindi naman kalungkotan ang nakapaskil doon kundi madilim na anyo lamang at kawalang paki-alam. Hanggang sa tuloyan narin akong nakalayo sa mga ito at wala narin akong narinig pang kahit isang salita manlang. Pagkapasok ko sa aking silid ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sa ibabaw ng aking kama at napatitig nalang sa kesame sabay ng pagtulo ng aking mga luha dahil sa lungkot na aking nararamdaman..
_{LUKE's POV}_
"Son, hijo. Are you ready? In a few hours, you'll know your fiancé and alam kong hindi malabong hindi ka magustohan mo rin si Princess, hijo. Mabait, matalino, maganda at may pinag-aralan na puwede mong maipagmalaki sa buong mundo," mahinanong usal ni mom at hindi ko napigilang hindi mapaharap dito habang nakakunot ang aking mga kilay.
"Mom? Please! Kahit ngayon lang, ayaw ko na munang marinig ang tungkol sa babaeng gusto ninyong ipakasal sa akin at kahit pa iyan nalang ang tanging babae sa mundo na nagtataglay ng mga ganyang katangian, kung hindi ko naman mahal wala ring dahilan para ipagmalaki ko iyan sa buong mundo, at wala akong ibang babaeng ipagmamalaki sa kahit na kanino o sa buong mundo man kundi ang babaeng totoo kong minamahal," malamig kong usal, na hindi naman ito nakaimik. Pero ang aking ama ay kita kong napatiim-bagang nalang, ngunit wala naman na itong binitiwan pang kung anong mga salita. Hindi narin ako kumibo at sumakay nalang ng kotse.
Nadito na kami ngayon sa pilinas kung saan ako ipinanganak at lumaki. Pero isang pangyayari ang naging dahilan para manatili ako sa bansang italy kung saan naroon ang ilan naming mga negosyo. Noong una wala akong alam na dahilan kung bakit kailangan naming manatili sa ibang bansa kung hindi naman talaga kami taga roon. Pero dahil sa paulit ulit kong tanong noon sa aking mga magulang ay nalaman ko rin ang dahilan kung bakit. Sampung taon na ang nakaraan ng huling tumapak ako sa bansang ito, at ngayon lang uli naulit kung hindi pa marahil ako kailangan ipakasal sa isang babaeng hindi ko kilala dahil lang sa isang kasundoan ay kinakailangan kong gawin.
Nalaman ko ang dahilan noong mag edad na ako ng 26. Sinabi sa akin ni Mom na dito naman daw talaga kami sa pilipinas noon naninirahan, dito rin ako nag aaral ng college, pero dahil gusto ni dad na mag aral uli ako sa ibang bansa para sa mga negosyong hahawakan ko ay kinailangan kong lumipad papuntang italy, at noong araw na paalis na daw sana ako ay iyon din yong araw na naaksidente ako. Galing daw ako noon sa probinsya sa kapatid ni dad, pero nong pauwi na daw ako ng manila ay doon daw nangyari ang insidente, nahulog daw ang aking kotseng minamaneho sa isang bangin at dahil sa medyo malalim ang aking kinahulogan ay halos maghapon daw ang naging search operation ng mga awtoridad. Gabi na ng makuha nila ang aking katawan na walang malay ngunit nananatiling may pulso pa naman daw kaya agad din nadala ng hospital na pinakamalapit sa probinsya. At ng mabigyan na daw ako ng paunang lunas ay agad ding inilipat sa manila. Ngunit makalipas ang dalawang linggo na hindi parin daw ako nagigising dahil sa laki ng pinsala sa aking ulo na kinakailangang sumailalim sa operasyon kaya nagdisisyon ang aking mga magulang na sa aming hospital nalang sa bansang italy nalang din ako operahan. Naging matagumpay daw naman ang naging operasyon sa akin, ngunit hindi parin daw ako nagising noon at mahigit apat na taon akong nasa comatose stage. Makalipas ang apat na taon ay muli akong nagising pero ang aking memorya naman ang nawala at sinabi ng doktor na maaaring mahirapan akong mag adjust dahil sa wala akong maalala. Ngunit magiging maayos at normal din naman daw ang aking kalagayan kung sasailalim ako sa isang uri ng treatment upang muling bumalik o utay utay maka-alala sa mga memoryang nawala. At sa tulong din ng aking mga magulang ay utay utay ko naring naaalala ang ilang mga bagay bagay na palagi kong ginagawa at pinupuntahan noon kahit ang ilang mga kakilala at sa loob nga ng anim na taon pang lumipas ay masasabi kong kahit paano naman ay medyo maayos na ako, pero may isang bagay o ala-alang paulit ulit sumasagi sa aking isipan ang ilang taon naring nagpapagulo sa aking isip, puso at buong pagkatao na hindi ko maintindihan kong bakit at papaano. Isang babae sa aking ala-ala ang paulit ulit bumabalik, ang babaeng masaya kong pinapanood ang bawat pagsubo ng pagkain sa isang pampublikong lugar na maraming mga sasakyang nakaparada, ang babaeng iyon din ang nakikita ko pa sa isa ko pang ala-ala na parehas kaming kumakanta sa itaas ng intablado habang maraming taong nanonood sa amin at ang lalong nagpapagulo ng aking sistema ay ang tagpong nasa ibabaw kami ng malambot na kama at parehas walang mga saplot habang pinaliligaya ang isa't isa, na hindi ko maiwasan o mapigilan ang aking sarili na mag init ang pakiramdam hanggang sa tumigas narin aking sandata na kinakailangan ko pang pumasok sa loob banyo para lamang ilabas ang init na bumabalot sa aking buong katawan. Napapailing nalang ako minsan sa aking sarili dahil hindi ko narin maintindihan kung bahagi pa ba iyon ng aking nakaraan o imahinasyon ko na lamang dahil tuwing papasok sa aking alala ang bahagi ng tagpong iyon ay wala akong makita o maaninaw sa mukha nito na lalo ko lamang ipinagtataka. Ilang besea narin ako nagtanong kina Mom at Dad kung may babae ba akong nakarelasyon noon na alam nila o naipakilala ko ba, ngunit wala naman silang maisagot na maayos sa akin, at maaaring isa lang daw sa mga naka relasyon ko noon na puro panandaliaan lang dahil aminado rin naman daw ang aking mga magulang na noong nag aaral ako ng college dito sa pilipinas ay talagang mahilig ako maglaro sa babae, na walang seniseryoso at puro pampalipas oras ko lang lahat. Ngunit hindi ako naging kuntento sa naging sagot nila dahil ramdam ko na iba ang babaeng iyon sa mga babaeng gaya ng sinasabi nila na parang may malalim o malaking puwang sa aking puso at buong pagkatao. Dahilan pa minsan na nakakaramdam ako na para akong nasasaktan sa paraang hindi ko kayang ipaliwanag. At dahilan parin minsan kung bakit sumasakit ang aking ulo.
Sa loob ng anim na taong iyon na paulit ulit gumugulo sa aking isipan ang babaeng iyon ay sinubokan ko naring magpa imbestiga bago pa ako maaksidente, pero walang makapag bigay sa akin ng malinaw na resulta sa imbestigasyon kaya makailan lang dalawang buwan na ang nakaraan ay ipinatigil ko narin ang pagpapa imbestiga noong sinagot na ako ni myra, ang babaeng ilang buwan ko ring niligawan hanggang sa sinagot narin ako at ngayin nga ay dalawang buwan na kaming mag karelasyon ngunit dahil sa plano at kasunduan ni dad at ng kaibigan nito ay mukhang o kinakailangan ko naring bitiwan o makipag hiwalay dito dahil ayaw ko rin namang masaktan ito dahil sa pagiging makasarili ko. Ayaw ko rin naman manatili ito sa aki o sa aming relasyon kahit alam kong may ibang babaeng nakatakda sa akin para pakasalan. Pero hindi parin nito alam kung ano ang nangyayari dahil nong huli kaming magkausap via videocall ay iyon rin yong araw na nakipag meet ako sa pangalawang anak na lalake ni Mr. Vicente Montemayor na si Victor Montemayor. At kinagabihan nga ay kinausap na ako ni Dad na kailangan daw naming lumipad pauwi ng pilipinas para i-meet ko na daw ang aking magiging fiancè. Hanggang sa umabot na ng dalawang linggo na hindi na ako dito nakatawag o sinadya ko talagang hindi tumawag dahil sa nakokonsensya rin ako. Pero plano ko naman din itong kausapin at ipaliwanag dito ang sitwasyon pag natapos na ang paghaharap naming ng babaeng ipapakasal sa akin at ang pamilya nito. Nahiling ko nalang na sana ay kagaya ito ni myra na mabait, maalaga at maaalalahanin. Maya maya ay nakaramdam ako ng marahang pag tapik sa aking balikat mula sa aking ina na bahagya ko pang ikinagulat, kaya naman napakunot ang mga kilay nito gayon din ang aking ama. Na hindi ko na namalayang nasa harap na rin pala kami ng mansyon namin dito sa piipinas. Sa lalim ng aking iniisip at sa dami ng laman ng aking isipan sa mga oras na iyon ay halos wala na akong namalayan sa aking paligid. Mula airport hanggang dito sa mansyon ay lumilipad na pala ang aking diwa.
"Luke, hijo. May problema ba? Mukhang malalim ata ang iyong iniisip ngayon kaya kahit ang ilang beses na pagtawag namin sa iyo ng dad mo ay hindi mo narinig," mahinang usal ni mom na ngayon ay nakatayo na sa labas ng kotse na katapat ng nakabukas na pintuan sa aking bahagi habang si dad naman ay nakatayo din sa gilid ni mom na mariing nakatingin sa akin.
"I'm sorry Mom, hindi ko na namalayan ang naging byahe natin. Mauna na po ako. Gusto ko na munang magpahinga bago tayo pumunta sa babaeng kainakailangan kong pakasalan gaya ng inyong kagustohan," malamig kong usal ng makababa na ako ng sasakyan at tuloyan na ngayong dumiritso papasok sa loob ng mansyon. At tanging buntong na hininga nalang ng mga ito ang aking narinig ng makatalikod na ako.