Dahil sa kahihiyan na ginawa ko hindi na ako umiimik habang tinutulongan ko si Aling Mily sa ginagawa. manaka-nakang tumitingin si Fabian sa akin gawi.
"Anak, lagyan mo nang yelo 'yang batok mo!" sabi ni Aling Mily sa anak.
Tiningnan ako ng masama ni Fabian. at dahil sa pagkapahiya ko agad ko ibinaba ang aking mata.
"Mama, kung sino man ang gumawa nito, siya dapat ang maglagay!" Inis na sagot ni Fabian sa ina.
Nagulat ako sa tinuran ni Fabian at malakas ang loob niya mag sabi gayon siya naman ang may kasalanan.
"Alam mo, kayong dalawa magsitigil na kayo! Ola kumuha ka nga ng yelo sa ref," utos ni Aling Mily sa akin.
Agad naman ako sumunod sa utos ng matanda. Kung hindi lang nandoon si Aling Mily kanina ko pa gustong tadiyakan ang kaniyang anak.
Agad ako bumalik at ibinigay kay Aling Mily ang yelo.
"Hoy! bata! si Mama ba ang nagkapasa? at siya ang binibigyan mo ng yelo?" Singal na sabi ni Fabian sa akin.
Tiningnan ko si Aling Mily kung naka tingin ba ito sa amin. Nang makita kong sa ibang direksyon ito nakatingin inirapan ko nang masama si Fabian.
"Ito na po Sir! Inis na sabi ko.
Sayang at guwapo pa naman ang mokong na ito kung hindi lang antipatiko.
"Kunin na sana ni Lord ang masasamang loob," mahina kong sabi.
Nakita ko ang pag irap ni Fabian sa akin at biglang hinila ang upuan na pinag patungan ko nang mga itlog lahat iyon nagsi talon sa sahig.
"Putik! nanadiya ka ba?" Galit na baling ko sa kaniya.
Nakita ko ang pag ngisi nito at halatang hindi man lang ito nasindak. Saktong pumasok si Aling Mily at nakita ang nagkalat na basag na itlog.
"Ola! Fabian! bakit nabasag ang mga 'yan?" Malakas na boses ni Aling Mily.
Nakita kong tumayo ang magaling na si Fabian.
"Ewan ko diyan Mama! nakangisi nitong sabi.
Sa inis ko ay umupo ako at pinulot ang mga basag na itlog.
Halos manggalaiti na ako sa galit habang pinupulot ang itlog.
Dalawang dosena ang nasira. panigurado akong ibabawas ni Aling Mily sa aking sahod.
Nang makaalis si Aling Mily sa kinatatayuan ay agad ko inayos ang mga gamit at humakbang ako papasok ng banyo.
" Ola, mag usap tayo mamaya,' sabi ni Aling Mily. Seryoso ang mukha nito.
Matagal ako nakatunganga dito bago nakasagot.
"Opo,' sagot ko sa mahinang boses.
Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatayo sa harap ng salamin. nanginginig na ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung dala nang gutom o dahil sa galit ko kay Fabian.
"Ola, hindi ko gusto ang nakita ko kanina," Sabi ni Aling Mily.
Napakunot noo ako dito. Bakit ako pa ang lumalabas na masama ngayon.
"Ano po ibig mo po sabihin?" Tanong ko dito.
Tininignan ako ni Aling Mily bago ito nag salita ulit.
"Kilala ko ang anak ko, Ola, hindi kita gusto para sa anak ko," Seryoso niyang sabi.
Muntik na ako matumba sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang huling sinabi ni Aling Mily. Tumayo ako nang maayos at tumikhim muna ako bago sumagot.
"Aling Mily, Hindi ko rin sinabing gusto ko din ang anak mo," Sabi ko sa mababang boses.
Tumaas ang isang kilay ni Aling Mily at sarkastikong akong tiningan.
"Kung ganon, mabuti nang nagkakaintindihan tayo," Walang emosyon na sabi ng matanda.
Umirap ako at tinalikuran ko siya. Parang ang guwapo nang anak niya at magkaka gusto ako sa kaniya.
"Huwag po kayo mag alala Aling Mily, mas gugustohin kong maging matandang dalaga kaysa magka gusto sa anak mo!" Mariin kong sabi at tiningan ko nang masama ang papalapit na si Fabian.
Ngumisi ang mukhang unggoy na si Fabian akala niya 'ata nagiging guwapo siya kapag lumalabas ang kaniyang ngala-ngala.
"Mabuti nga 'yan sa'yo!" pang aasar na salubong sa akin ng unggoy na si Fabian.
Hindi ko alam na may kakambal pala si Dante sa kasamaan. Isama pa ang balat niyang parang hindi nasinagan nang araw mula nang ipinanganak ito.
Maaga ako umuwi nang hapon na 'yon dahil gusto ko maglaba nang marurumi namin damit nang biglang may tumama sa akin noo.
"Aray! Ano ba? hindi ba kayo tumitingin sa daraanan?" Sigaw ko sa may ari nang bola.
Dahil matangkad ito at nakatingala ako dito habang tumatama sa aking mata ang papalubog na araw.
"Are you okay?" nag aalalang tanong sa akin nang may ari ng bola sabay gusot nang aking buhok.
Aba at ginawa pa akong bata ng lalaking ito.
"Puwede ba! matapos ako tamaan ng lintik na bola yan! tatanongin mo ako kung okay lang ako?" pawiksi kong tinanggal ang kaniyag kamay sa aking noo.
Dahil tumatama ang araw sa aking mata hindi ko ito matingnan nang maayos. Lumapit dito ang kaniyang mga kaibigan at nagkakantiyawan ang mga ito.
"Hey Dude! Is she Okay?" Nag aalalang tanong nang isa sa kanila.
Muli ginulo nang lalaki ang aking buhok at yumoko ito para pumantay siya sa akin.
"Bata, ano ang masakit sayo? sabihin mo sa kuya Rafael mo kung ano ang masakit sayo huh," nag aalalang tanong ulit sa akin nang lalaki.
Dahil sa pangalan na binanggit ng lalaking kaharap ko ngayon ay halos maupos ako sa kinatatayuan. 'tsaka ko napansin ang mukha nito nang lumuhod pa lalo ito sa akin.
Muli ito nag salita.
"May masakit ba sa'yo?" sinipat ang aking noo.
Kinagat ko ang aking pang ibabang labi 'tsaka ako sumagot.
"W--wala naman po," Parang hinila ang aking dila at hindi ito makapag salita nang maayos.
Nakita ko ang lalaking napatampal sa kaniyang noo.
"Aay, salamat!" Ngumiti ito at ginulo ang aking buhok.
Pati ang kaniyang mga kaibigan ay nakahinga ang mga ito nang sabihin kong ayos lang ako.
"Ano ang gusto mo? at ililibri ka nang kuya Jeppee mo," Sabi pa nito.
Napakunot noo ang lalaking nasa kaliwa nito. Marahil ito ang tinutukoy nitong Jeppee.
"Bakit ako? hindi naman ako ang may kasalanan d'yan!" Tanggi nang lalaki.
Nagkatawanan ang mag babarkada sa sinabi ni Jeppee. Sino ba ang mga magulang ang mga ito at ganito kaguguwapo ang mga anak.