Bigla ito tumawa ng malakas.
"Kuya? Ang ibig kong sabihin, kaibigan ko dito. Dito sa bahay!" sabi nito sabay upo ito ulit sa gilid ng kama.
Napatampal ako ng sarili kong noo at napatawa na rin.
"Ayosin mo kasi ang pag kakasabi, So, ano ang nangyari sa kaibigan mo?" tanong ko sa kaniya. Habang humihiga ulit sa kama.
Lumabi muna ito at tiningnan ako ng nakakalokong titig. Lalo ako naiintrega sa pinag sasabi niya.
"Erika, puwede ba diretsahin mo na ako!" Naiirita kong sabi.
"Puwede bang mag pasama sa'yo bukas?" Nakangiti niyang sabi.
Gusto ko sana siya pag bigyan pero bukas na pala ang punta ko ng palawan kasama ang mga kaibigan ko.
"Si Manong na lang ang Mag hahatid sa'yo," sabi ko sa kaniya. Ang tinutukoy kong manong ay ang driver namin. Nakita ko ang pag ismid niya at hindi na ito sumagot ulit.
"Okay ganito na lang, isasabay na lang kita papunta doon. Okay lang ba 'yon sa'yo?" tanong ko sa kaniya.
Nakita ko ang pag liwanag nang kaniyang mukha nang sabihin ko sa kaniya na idadaan ko na lang siya sa bahay ng kaniyang kaibigan.
"Talaga kuya?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
"Basta Siguradohin mo lang na babae ang kaibigan mo!" kunwaring galit kong sabi.
Matarik na kalsada at maraming bata ang nagkalat sa kalsada at dinadaanan namin habang papasok kami sa lugar ng kaibigan ni Erika. Isang matandang babae ang nakasalubong namin.
"Ate, saan po ba dito ang bahay ni Olah Pheguia?" tanong ni Erika sa matandang babae.
"D'yan po sa may bandang kaliwa." Sagot ng matandang babae.
"Salamat po." pananalamat ni Erika sa matandang babae
Habang may kausap ako sa kabilang linya ay hindi ko napansin ang pag bangga sa akin ng lasing na matandang babae.
"Ano ba? hindi ka ba tumitingin sa nilalakaran mo?" galit na wika sa akin ng matanda.
"P--pasensya na po," hingi ko ng paumanhin sa kaniya at nagpatuloy na ako sa pag lalakad.
"Hay na ko ang mga kabataan nga naman ngayon," dinig ko na sambit ng matandang babae.
Nang makarating kami sa lumang bahay na yari sa kawayan ay nakita ko ang pagtigil sa pag lalakad ni Erika at nilingon ako at nagtataka akong tumingin sa kaniya.
Mula sa labas ay dinig namin ang iyak ng isang batang lalaki habang palabas ito sa bahay. pinigil ko ang batang lalaki at tinanong siya.
"Bata, ano ang nangyayari at umiiyak ka?" Tanong ko.
Tumigil ang bata sa pag lalakad at tiningnan kami habang pinupunasan ang basa niyang mata.
"Ka--kasi po, Si ate pinalayas ni nanay." sagot ng batang lalake sa akin.
Tumingin ako sa bandang pinto at nakita ko ang dalawang lalaking nakatayo doon. Animo'y nakakaloko ang ngiti ng mga ito.
"Hoy! may problima ba?" pasigaw na tanong sa akin ng isa sa kanila.
Tumingin ako sa ibang dereksyon at dahan dahan lumapit sa kanila.
"Mawalang galang po, pero ano ang nangyari sa bata at nag karoon siya ng pasa sa braso?" Tanong ko sa mga ito.
Habang nagsasalita kanina ang bata ay may nakita akong pasa sa kaniyang braso.
"Aba, At sino itong bagong santa ng barangay natin at parang pakialamiro pa," Wika ng May edad na lalaki.