Hindi pa ako nakakahakbang ay naramdaman ko ang malakas na pag hila ni Tiyo Kanor sa akin buhok dahilan upang mawalan ako ng balanse.
"Hindi pa ako tapos sa'yo!" wika nito sa malakas na boses.
Habang hawak-hawak ni Tiyo Kanor ang aking buhok ay napaluhod ako at pilit ko tinatanggal ang kaniyang kamay sa pag kakahawak ng aking buhok.
"Ano ba! bitiwan mo 'ko! Nag pupumiglas kong sabi.
Narinig ko ang malakas na iyak ni Akiko pilit hinaharangan ang kaniyang ama.
"Tatay, tama na! parang awa mo na!" umiiyak na awat ni Akiko sa ama.
Dahil sa lakas na boses namin ay nagising ang mga kasamahan namin sa bahay. Unang lumabas si Nanay na mukhang walang balak na umawat.
"Loves ano ba 'yan? nambubulabog kayo ng natutulog ah!" Sabi nito at kinuha ang flash light.
"Itong anak mo, walang kadala-dala! palibhasa manang -mana sa kaniyang tatay! sigaw nito sa aking mukha habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak nang aking buhok.
Sunod naman lumabas ang amoy na alak na si Dante. Nag dadabog ito dahil naalimpungatan sa ingay.
"Mabuti nga 'yan sa'yo! ang yabang mo kasi, wala ka naman binatbat!" nakangising wika ni Dante.
Pakiramdam ko wala na kami kakampi sa buhay. sobra na ang pag mamalupit nila sa 'min. Nag ipon ako nang lakas at bigla ko binalingan si Tiyo kanor.
"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sa kaniya at malakas ko siya itinulak.
Napadusdos siya sa may pinto sapo niya ang noo na tumama sa pader.
"Huwag na huwag mo ako susubukan ulit! kun'di hindi lang 'yan ang mapapala mo!" Duro kong sabi sa kaniya.
Agad naman siya dinaluhan ni Nanay at sabay ako tiningnan nang masama.
"Sumosobra ka na Ola!" Panduduro sa akin ni Nanay. Ngunit hindi ko 'yon pinansin agad ako tumalikod at nag lock ng pinto.
Nagsusumikip ang damdamin kong napaupo sa may gilid nang aking kama. unti-unti dumadaloy ang aking luha. kahit minsan hindi ko nakitaan nang kunting malasakit sa 'kin si Nanay.
Nang mahimasmasan ako ay tumayo ako upang ihain ko kay Akiko ang dala kong pancit. naalala ko kasing hindi pa kumakain.
"Akiko, gising na at kumain ka na," Saad ko dito.
Ilang minuto narinig ko siya papalapit. kusot nito ang mata.
"Oh, ano ang nangyari d'yan?" tanong ko sa kaniya.
Alam kong umiyak siya kanina. Kung may naaapektohan sa 'min 'yon walang iba kun'di si Akiko 'yon.
"Ate, huwag na lang kaya ako mag aral," sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya at napakunot noo.
"At ano ang gagawin mo? Akiko, kaya ako nagpapakahirap para sa'yo ang lahat nang ito," sagot ko sa kaniya.
Nagbaba ito nang tingin at malungkot na ngumiti.
"Alam ko naman 'yon, pero Ate, nahihirapan ka na." nag aalala niyang sabi.
Ginulo ko ang buhok ni Akiko na para bang hindi ko narinig ang kaniyang sinabi.
"Kumain ka na d'yan, huwag mo na ako alalahanin,' sabi ko sa kaniya.
Si Akiko lang ang nagbibigay sa 'kin nang lakas na loob para harapin lahat nang pagsubok sa buhay.
Nasa ikalimang baitan na si Akiko kaya kinakailangan ko humanap nang iba pang pagkakakitaan bukod sa pag aaralin niya kailangan ko pa tustusan nang pag aaralin ni Dante.
Isang nakakabinging tunong nang telepono ang pumukaw sa akin habang nagmumuni-muni.
" Ano ba Ola! wala ka bang balak sagotin 'yan tawag?" singal sa akin ni Aling Mily. Halatang mainit ang ulo kaya kanina pa ito nagbubunganga. "Sorry, Aling Mily," hindi ko nang paumanhin sa kaniya.
buong araw wala sa trabaho ang isip ko kun'di sa problema sa bahay.
Agad ko sinagot ang kanina pang tumutunog na Telepono.
"Hello, Opo, Nandito po siya." sagot ko sa kabilang linya. Agad ko naman binalingan si Aling Mily at sinabi kong sino ang nasa kabilang linya.
Padabog na kinuha ni Aling Mily ang Telepono.
Habang kausap ni Aling Mily ang kaniyang asawa sa telepono binalikan ko ang aking ginagawa.
Abala ako sa pag aayos nang stock ni Aling Mily nang may tumikhim sa akin likuran.
"Bata, may plastic bag ba kayo?" tanong nang isang guwapong lalaki sa 'kin harapan.
Lumingon naman ako paligid at tinangnan kung may ibang tao bang naroroon.
"Ikaw ang tinatanong ko,"
Nakangiting sabi ng lalaki.
Umirap ako dito at tinalikuran upang kunin ang plastic bag.
"Limang piso po," nakasimangot kong sabi.
Kumuha nang limang piraso ang lalaki at tumalikod na ito.
"Teka po kuya! bayad niyo po?" Malakas na sabi ko sa lalaki.
Humarap sa 'kin ang lalaki at napahalakhak.
"Bata, babayaran ko lang mamaya," sabi ng lalaki.
Naalarma naman ako at balak pa ako pag bayarin nang lalaki na ito.
Nakita ko ang walang paris na tsinelas at agad ko 'yon ibinato sa kaniya.
"Hoy! Mr. Antipatiko magbayad ka muna!" Sigaw ko sa kaniya.
Dahil malakas ang pag kabato ko sa kaniya ay mamula-mula ang kaniyang pisngi kung saan siya natamaan.
Sapo nang lalaki ang kaniyang pisngi. Pagkatapos niya makabawi nang pagkabigla ay humakbang palapit sa 'kin.
"Ikaw pa lang ang kauna-unahan gumawa sa 'kin nito," Bulong nang lalaki.
Habang ang kaniyang mata ay namumula na ito sa galit.
Sa takot ko ay napaatras ako at napatutup sa 'kin bibig.
"H--hindi ka nag bayad eh!" Sigaw ko sa kaniya at ibinaling sa ibang direksyon ang aking mata.
"At napatutup ka talaga nang bibig, ano akala mo hahalikan kita," sabi ng lalaki.
Lalo ito humakbang papalapit sa 'kin. napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa akin tainga.
"Bastos! maniyakis!" sigaw ko.
Sa lakas nang aking boses ay napalingon sa 'min si Aling Mily.
"Ola! Anak!" Sigaw ni Aling Mily.
Napa kunot noo ako nang marinig ko ang huling sinabi ni Aling Mily. Akala ko nagkakamali lang ako nang dinig.
"Anak, Ola! ano ba ang nangyayari dito?" Sabi pa ni Aling Mily.
"Anak? A--anak ka ni Aling Mily?" Paninigurado kong tanong.
Ngumisi ang lalaki at lalo niya hinigpitan ang pagkakahawak nang aking balikat.
"Narinig mo naman ang sinabi ni Mama," Sabi ng lalaki sa mababang boses.
Para ako pinagsasampal sa mag kabilang pisngi sa kahihiyan na ginawa ko sa lalaking kaharap ko. Ang lalaki ay taas baba niya ako tiningnan.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo," Nakangiti nitong sabi.