WALA na ako nagawa kun'di bumalik ulit sa kina uupuan ko kanina at mag re-pack ulit ng paninda. Naka ilang ulit din nag wala ang mga alaga ko sa tiyan. Habang nag re-repack ako ay pinanggigiliran na ng luha ang aking mata.
Kung alam ko lang na hindi ako papayagan kumain sana nag almusal na lang ako kanina bago ako pumasok ng trabaho. Nararamdaman ko ang pamamanhid nang aking mga kamay kasabay nito ang malalamig na pawis sa aking noo. Pinahid ko ang aking luha at ipinag patuloy pa rin ang trabaho.
Alas sais na nang pauwi ako. Halos hindi ko makita ang daanan. Bukod sa gutom ay dumagdag pa ang madilim na daan. Pinahid ko ang luha sa aking mata. Kung hindi lang siguro ako mahirap hindi ganito ang Turing sa 'min nang mga tao. Siguro may respeto na sa' min ang mga tao. Pero ito ako eh. Lumandas na naman ang aking luha kaya hindi ko napansin ang paparating na sasakyan. Isang serbato ang huli kong narinig bago mawalan ako ng ulirat.
NAPASUNTOK ako sa manibila nang maramdaman kong nakabangga ako nang tao. Ilang minuto ako tulala bago ko maalala ang tao sa harap ng aking sasakyan.
Agad ako bumaba sa aking sasakyan at maagap ko tinulongan ang naka handusay sa kalsada.
"My God! Rafael! Na kapatay ka 'ata ng tao," Bulong ko sa aking sarili.
Agad ko pinangko ang babaing naliligo sa sarili nitong dugo.
PUMA RITO, puma roon ang ginawa ko habang nasa waiting area ako. Nang makita ko ang Doktor palabas ng kwarto ay agad ko ito sinalubong.
"Dok, kumusta po ang lagay ng babae?" kinakabahan kong tanong.
"Ayos naman ang kalagayan ng Girlfriend mo, sa ngayon kailangan muna niya mag pahinga at maya-maya puwede mo na siya kausapin," Wika nito sabay tapik ng aking braso.
Nakailang katok ako sa pinto bago ako tuluyan pumasok. May maamong mukha at mahahabang pilik mata ang bata. Ang itim at kulot na buhok na bumagay sa kaniyang kayumangging balat. Matagal ko ito pinagmamasdan. Nang makita kong gumalaw ang kaniyang pilik mata agad ko idinako sa ibang direksyon ang aking mata.
Nag mulat ito at nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero parang familiar ang kaniyang itsura hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Saan ako? Ano ang ginagawa ko dito?" Tanong niya.
Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Aherm! Nandito ka sa ospital, naala-ala mo ba ang nangyari?" Tanong ko dito.
Kinakabahan ako kaya hinayaan ko na lang na kusa niyang maala-ala ang lahat.
"Oo, pasensya ka na," hingi niya nang paumanhin sa 'kin.
Napakunot noo ako dito. Bago pa man siya naka pag salita ulit. Agad ko na itinanong dito kung may kamag anak siyang puwede ko matawagan.
"May number ka ba nang pamilya mo, Tatay mo o 'di kaya Nanay mo na puwede ko tawagan?" tanong ko dito.
Hindi ito sumagot agad kaya muli ko siya tiningnan nang mapansin kong may mga butil na luha sa kaniyang mata.
"Bata, may Problema ba? May masakit ba ulit sa'yo? Tatawagin ko ang doktor," Nag aalala kong tanong.
Tatalikod sana ako upang puntahan ang doktor. Pero naramdaman ko ang kaniyang kamay na humila sa sa aking palad.
"Huwag na po, walang masakit sa 'kin," Pigil niyang sabi sa akin.
Napatingin naman ako sa kaniya sabay upo sa gilid nang kama.
"Gusto mo ba tawagan ko ang mga magulang mo?" tanong ko sa kaniya.
Nakita ko na naman ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Huwag na ho, busy ang mga 'yon at isa pa hindi naman pupunta ang mga 'yon, maraming salamat pala dito," Mahina niyang sabi.
Napailing na lang ako. Halatang ayaw ipaalam nang bata ito ang nangyari sa kaniya. Tumalikod ako ulit sa kaniya nang hilain ulit niya ang aking palad.
"Huwag na po kasi!" biglang sabi.
Napaharap ako sa kaniya at tiningnan ng masama.
"Bibili lang ako nang pagkain," Inis na sagot ko sa kaniya.
Tuluyan na ako lumabas at tinawagan ang aking kaibigan na si Kenneth.
"Hello Pare, may nangyari eh!" bungad ko sa kabilang linya.
Narinig ko ang Pag halakhak ng aking kaibigan sa kabilang linya.
"Sige pag tawanan mo pa 'ko, Pare Makinig ka, kung tatawag d'yan ang kapatid ko. Sabihin mo mag kasama tayo," Seryoso kong sabi sa kaibigan ko.
Narinig ko ang Pag buntong hinga niya sa kabilang linya.
"Oo na, Oo na! Saan ka ba ngayon at bakit kailangan mo pa 'ko pag sinungalin sa maldita mong kapatid?" tanong nang nasa kabilang linya.
"Pare, behaved ka lang d'yan. Pare naka bangga ako nang dalagita, nasa ospital ako ngayon," Bulong ko sa kabilang linya.
"What? Pare malaking problema 'yan! Nag demanda ba ang magulang ng bata?" seryosong tanong ng kaibigan ko sa kabilang linya.
"Hindi Pare, 'yon ang problema ko, wala 'ata balak ipaalam ng bata sa magulang ang tungkol sa nangyari sa kaniya?" Bulong ko pa sa kabilag linya.
"Dapat makaalis ka d'yan nang maaga Pare! Paano kung buntis pala 'yan at sa'yo ipanagot!" nanakot na wika nang kaibigan ko sa kabilang linya.
Matalino rin ang kaibigan ko kung ano-ano ang pumapasok sa kaniyang maliit na utak.
"Pare, seryoso ako! Seryoso ako dito tapos kung ano-ano na lang pinag sasabi mo d'yan!" Irita kong sagot sa aking kaibigan sa kabilang linya.
Dahil sa pakikipag usap sa kaibigan ay nakigtaan kong bumalik agad sa kwarto ng babaing nabangga ko.
Sumilip muna ako at tiningnan kung tulog na ba ang dalagita. Bukod sa pagkaka bangga ko sa kaniya bakit nakakaramdam ako nang awa sa dalagita. Kaya kinausap ko siya nang masinsinan.
"Bata," panimula kong sabi.
"Ola, Ola ang pangalan ko, at isa pa tigilan mo 'ko tawaging bata dahil hindi na ako bata," Inis na sagot nang bata, esti ni Ola.
"Okay Ola, kailangan mo ibigay ang numero ng magulang mo para alam nila ang nangyari sa'yo," sabi ko sa kaniya.
"Ilang beses ko na bang sinabi na busy ang mga 'yon!" Inis na sagot niya sa akin.
"Pero Ola, dapat ka nila alagaan, may trabaho pa ako naiwan," mababakong sabi sa kaniya.
Tiningnan niya ako nang masama 'tsaka pumikit ito.