Dahil Sabado ngayon at mamayang alas otso pa ang pasok ko sa bahay ng mga Mendez upang maglaba ay hinayaan ko ang aking sarili namnamin ang init ng araw na nagmumula sa bintana. Mula sa pagkahimbing ay dinig ko na naman ang pagtatalo ng batugan kong tiyuhin at ang lasingga kong nanay. Kinuha ko ang lumang kumot at ang dalawang unan itinakip ko ito sa pagkabila kong tainga upang hindi ko marinig ang ingay sa labas.
Malakas na kalabog ang nararamdaman kong kaba habang nasa hallway ako ng mga Mendez. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang nerbyos ko kapag nasa manyon ako ng mga Mendez.
"Akala ko ba kaya ka nag punta rito upang maglaba?" Wika ni Aling Emma.
kasambahay ito ng mga Mendez. mabait yon nga lang may pagka istrikto pagdating sa trabaho.
"Opo, ito na nga oh! magsisimula na!" sagot ko. sabay dampot ng maruruming damit.
"Hoy, kung may plano ka! Huwag mo nang ituloy!" Sabi sa akin. napakunot noo naman ako sa tinuran.
"Ano po ang ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"Hay, Ola! 'yan! gan'yan titig? tapos na 'ako d'yan!"
wika pa nito.
"Aling Emma deritsahin mo kaya ako," Takang tanong ko pa rin.
"Huwag ka nang mangarap! sa estado ng buhay mo hindi ka papansinin ni Sir Rafael!" Palatak na sabi ng matanda. Minsan sa sobrang istrikto ng matanda hindi na niya namamalayan kung nasasaktan ba ang tao.
"Ikaw naman, parang nakatitig lang sa larawan." pag dadahilan ko.
Sa totoo lang hindi ko alam kung concerned ba talaga ang matanda sa akin o binababa niya ang aking pagkatao. Natahimik ang matanda nang mapansin niyang tahimik ako pinupulot ang maruruming damit.
"Ang akin lang, ay baka masaktan ka lang," mahinahon sabi ng matanda.
"Alam ko po naman 'yon Aling Emma." sagot ko sa matanda.
Isang taon na ako naglalabada sa mga Mendez mula nang mamatay ang dati nilang labandera. Sa larawan ko na din nakikita si Sir Rafael. Hindi ko alam kung bakit titigan ko ang kaniyang larawan ay gumagaan ang aking buhay.
Katulad ni Sir Rafael madalang ko din makita sa mansyon ang nakakatanda nitong kapatid na si Elissa. Sa bagay hindi naman ako pumupunta sa loob ng mansyon.
"Ola, pumasok ka nga sa loob at ikaw muna ang mag timpla ng maiinom ni senyorita Erika!" malakas na sabi ni Aling Emma.
Kasalukuyan nag paplantsa ito ng mga damit ng mga amo.
"Bakit po? e, hindi ko naman linya," sagot ko.
"Oo nga, pero may ginagawa pa ako, bilisan mo at baka sumpongin na naman 'yon!" pag uutos ni Aling Emma sa 'kin.
Sa sobrang taranta ko napa tango lang ako sa matanda.
Si Erika ay bunso sa magkakapatid. Sa kanilang tatlo ay ito ang madalas pumirme ng mansyon. Katulad ng kaniyang ate Elissa maganda ito at may pinag aralan.
Minsan ko na ito nakasalubong sa hallway sa tingin ko naman mabait ito kumpara sa kaniyang ate Elissa.
Pag pasok ko pa lang ng kusina ay tumambad sa akin ang mala-palasyo nitong loob. sa dami ng kagamitan malilito ka kung saan mo kukunin ang kailangan mo.
"Who are you? at papaano ka nakapasok rito?" Tanong nang magandang babae sa akin.
"K--kasi po, inutusan ako ni Aling Emma." Kinakabahan kong sagot.
"What ever!" irap na sabi ng babae.
Lumabas na ito at habang papalayo ay narinig ko ang pagtawag niya kay Aling Emma.
Mabilis ko ipinagtimpla ng maiinom si Erika at dali-dali ko 'yon dinala sa kaniya.
"See! She is the one I told you!" wika ng babaing maganda sa panganay na pagkakapatid.
Narinig kong nag bubulongan sila habang papalapit ako sa kanila. at bigla sila ito tumigil at manaka-naka silang tumatawa.
"Over here! hali ka Ate Ola!" tawag sa akin ni Erika.
Naka upo ito sa kabilang side ng Swimming Pool.
Sa mag kakapatid ito lang ang may maamong mukha. Lagi ito naka ngiti mas lalo lumalabas ang kagandahan. Pag daan ko sa harap ng dalawang babae bigla humalakhak ang mga ito na para bang wala nang bukas.
"Thank you Ate Ola! Ito oh," sabay kuha ng aking isang palad at inilagay doon ang nakalukot na pera.
"Na 'ko po, huwag na Senyorita Erika.." tanggi ko sa kaniya.
"Ano ka ba, lahat ng bagay dito sa mundo may kabayaran." nakangiti niyang sabi.
"At isa pa," bumulong ito sa akin.
"Nakuha ko na ang first sahod ko," nakangiti ito sabi sa akin.
"Talaga! Congrats Senyorita!"
Masaya kong sabi sa kaniya.
"Kaya, dapat tanggapin mo na 'yan, kun'di magtatampo ako sa'yo!" sabi niya sa akin at bigla niya ako niyakap.
Habang mahigpit na nakayakap sa akin si Erika ay napadako ang tingin sa amin ni Ma'am Elissa at bigla niya sinigawan ang kapatid.
"Erika! Baka mamaya mag rereklamo ka na naman kumakati 'yan balat mo!" Galit na sigaw ni Ma'am Elissa sa kapatid.
Alam kong ako ang pinapatamaan ni Elissa. Dahil sa bukod na kayumanggi ang balat ko ay gusgusin pa ang suot kong damit. Hindi ko naman sila masisi kong ganito ang tingin nila sa akin.
Napahiya akong kumalas ng iyakap kay Erika.
"Pasensya na.."
Pag hingi ko ng paumanhin sa kaniya.
Tumayo ako at kinuha ko ang baso at tray na pinaglagyan ng juice ni Erika. Nang dumaan ako ulit sa harap nila ay narinig ko ulit ang malulutong nilang tawa. ang isa naman ay parang diring-diri ito sa akin.
"My God Elissa! Why do you allow that kind of person, to enter your home!" habang papalayo ako dinig kong sabi ng babae kay Elissa.
Mula sa lumang salamin ay pinagmasdan ko ang aking sarili. Kahit na sino puwede ako pandirihan, Isang over-size T-shirt at isang palda ang palagi ko suot-suot. tinernuhan ko yon ng lumang Tsinelas, bukod sa laging naka tali ang aking buhok. ang aking balat ay kulay kayumanggi na buong buhay ko ay hindi nadapuan ng lotion.
Naramdaman ko ang pag iinit ng aking mata kasabay nang paglandas ng mumunting butil na luha sa aking pisngi.
"Ola! anak! lumabas ka na d'yan at may pag uusapan tayo!" sigaw ni Nanay mula sa labas ng banyo.
Mabilis ko pinahid ang luha sa aking pisngi at nag patuloy mag sipiliyo.
"Opo Inay!" Sagot ko dito.
Sa maliit na hapag kainan kami nag salo-salo. sa itsura ni Nanay ay parang may sasabihin itong mahalaga. kaya hindi ako nakapag pigil hindi mag tanong.
"Nanay, ano ba 'yong sasabihin mo kanina?" tanong ko sa kan'ya.
Tumingin muna ito ng mariin sa asawa bago nag salita.
"Anak, napag usapan namin ng Tiyo Kanor mong pag aralin ulit si Dante," Nakangiti niyang sabi.
Sabay pisil niya sa palad ng asawang batugan.
"Bakit ho niyo sa 'kin sinasabi? e, kung may pampaaral naman kayo! bakit hindi?"
Inis kong sagot sa Nanay. nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pigil na inis na si Tiyo Kanor.
"Kaya ka namin kinausap, anak, baka puwede na i--ikaw muna ang mag paaral kay Dante," pautal-utal na sabi ni Nanay.
Sa inis ko sa nanay ko ay tumayo ako bigla sa hapag kainan.
"Nanay, sobra mo naman pinapahalagahan ang anak ng asawa mo! at pati sarili mong anak handa ka ipaalipin!" Galit na sabi ko sa kan'ya.