TINITIIS ni Celestine ang matinding gutom na nararamdaman. Tanging tubig na lamang ang pinanglaman niya sa kanyang tiyan, para maitawid lang anv gutom na nararamdaman. Hindi siya uuwi hangga’t wala siyang nahanapna trabaho. Kung hindi man siya papalarin na makapasok sa isang kompanya kahit, kahit taga-hugas ng mga pinggan sa karenderya, taga-walis sa daan papatusin niya. Sobrang desperada na siya na makahanap ng trabaho. “Sige magdusa ka, Celestine! Ginusto mo ito, eh! Mas gusto mong pahirapan ang iyong sarili, kaysa mamuhay nang masagana. Senyorita ang tawag sa ’yo at pahiga-higa ka lang sa aircon pero tinakasan mo!” Kastigo niya sa kanyang sarili. Ngayon lang niya nare-realize napaka-hirap pa lang maghanap ng trabaho. Kung may pang-capital lang sana siya para magtinda, mas gustuhin niy

