CHAPTER TWO:
•••
•••
P*t*y Speech? Pinapangako bilang Class Officers? Eh anong sasabihin ko? Muse lang naman ako ihhh, wala akong gagawin.
Pero sabi nga ni Ate Willow, kahit Muse ka, belong ka pa'din sa Class Officers. Dahil kapag may mga contest-contest sa school niyo, Ikaw din ang ilalaban nila. Ikaw Ang representative ng section niyo.
Haluhhh! Edi P*t*y talaga Ako nito?
"Kinakabahan ka?"
Nagulat ako nang bigla akong tinanong ng katabi ko. Kaya napalingon kaagad Ako sa lalaking iyon.
"Ako po ba ang tinatanong mo?" Naniniguro kong tanong.
"Malamang." Mahina siyang napatawa. "Sorry pala kanina."
"Anong kanina?"
Tinitigan niya Ako ng may pagtataka. "Sa pagsabi ko sa'yo' ng puro ganda-ganda lang ang ambag ng Muse."
Doon ko pa na-realized ang tinutukoy niya. "Aww." Nginitian ko naman siya. "Okay lang. Alam ko naman na Mali ka."
"Ano?!"
"HEHEHEH." Nag peace sign Ako.
"Balik tayo sa tanong ko, kinakabahan ka ba?"
"Medyo."
"Luhh, bakit ka naman kakabahan? Magsasalita ka lang naman diyan sa harapan."
"Eh kasi naman puuu ihhh, first time ko kaya'ng maging muse."
"Luhh, tapos kabahan pala?"
"Opo. Normal lang naman sa mga tao ang kabahan." Sumimangot Ako. "Eh Ikaw ba hindi ka kinakabahan?"
"Hindi."
"Luhh! Confident ah."
Napatawa siya kaya napalingon ang lahat sa gawi niya.
"Is there's something funny, Mister Gadiane?" Nakataas na kilay na tanong ni Ma'am.
"Wala naman Ma'am."
"And why are you laughing?"
"Nababaliw na kasi Ako Ma'am. Kaya napatawa na lang Ako bigla." sagot ng lalaking katabi ko.
Luhhh! Nababaliw na daw siya.
"Nababaliw? Baliw?"
"Yes. Baliw."
"Paanong baliw Mister Gadiane?" Mas lalong tumaas ang makapal na kilay ni Ma'am.
"Baliw sa kan'ya."
Nagtawanan ang Ilang mga kaklase ko sa naging sagot ng lalaking ito. "Bboommm!!! Parang May rindi ang kan'yang katawan~~~"
Bigla namang kumanta ang iba. "~Ang sarap mong titigan~~"
May nakakatawa ba sa sagot ng lalaking ito? Wala naman ihhh. Atshaka bakit kumakanta na sila. Ang we-weird naman nila.
"Everyone! Silent!"
At sabay silang natahimik lahat.
"Joke lang Ma'am. Nagbibiro lang Ako. Pero totoo naman na baliw na Ako sa kan'ya. Muntik na Akong mabaliw sa 'Kanya'."
Tinitigan ko ng mabuti ang expression sa mukha ng lalaking kausap ko lang kanina. Nakita ko ang pagpalit ng expression sa mukha niya. Ang kanina na parang nagbibiro lang, ay napalitan ng lungkot. Ngunit sa Isang pagkurap lang, ay bumalik na kaagad ito sa dati.
Okay po?
"May pinag-usapan lang talaga kami ni Transferee kaya bigla akong natawa." Paliwanag niya at itinuro Ako.
"So, close na pala kayong dalawa?"
Bumalik na sa dati ang pagkapantay ng mga kilay ni Ma'am. Nagpabalik-balik ang kaniyang tingin sa aming dalawa.
"Uhh, hindi pa naman? Pero doon din naman 'yun papunta Ma'am."
"Okay." Tinalikuran na kaagad kami ni Ma'am. "And now, let's call-on our classroom officer Project Manager..."
"Dite Hurt, yung pangalan mo diba?" rinig kong mahinang tanong ng katabi ko.
"Opo."
"Carlos Gadiane nga pala." Pakilala niya sabay lahad ng kamay.
Tinanggap ko naman ito. "Kinagagalak kitang makilala, Carlos Gadiane."
Napatawa nanaman siya, pero hininaan niya na. "Napakalalim mo namang magsalita ng tagalog, Binibini."
Mahina rin akong napatawa. "S'yempre naman Ginoo. Ako ay Ipinanganak at lumaki sa Pilipinas. Kaya mahal ko ang Aking sariling wika."
"Nahiya naman Ako sa pangalan mo."
Humiwalay na ang mga kamay namin.
"Huh?"
"Sana ang ipinangalan sa'yo' ng magulang mo ay Maria Clara, kung mahal mo naman pala ang sariling wika na'tin."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya naiintindihan.
"Dite Hurt... Diba English to?"
"Parang?"
"Oh see? Mahal daw ang sariling wika, pero ang pangalan English." Inirapan niya Ako.
Haluhh siya. Parang bakla.
"Ikaw nga Carlos Gadiane. Ipinanganak ka ba sa America?"
"Hindi din. Mukha ba akong inglishero?" Tanong nito at umiling naman. "But actually, my name, yung pangalan ko—"
"Tinatagalog mo lang ang 'my name'."
Sinamaan niya Ako ng tingin. Nginitian ko lang naman siya pabalik sabay nag peace sign.
"Sa pagkakatanda ko, ang sabi ni Mama," sumandal siya sa sandalan ng inuupuan niya. "The name “Carlos” is of Spanish origin, not America."
Napakurap naman Ako ng tatlong beses. "Ganun?"
Tumango siya. "Yes. But has been widely used in various Spanish-speaking countries, including the Philippines."
"Bakit?"
"Due to the influence of Spanish culture and colonization. Hindi mo ba alam ang tungkol sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas noon?"
Napasimangot ako. "Alam. Kaso..."
"Kaso?"
"Mahina talaga Ako sa History ihhh. Nakakalimutan ko."
Napakamot na lang siya sa kan'yang batok.
"Pero curious Ako, ano ba meaning ng pangalan mo? Meron ba?" Tanong ko.
Kasi sa akin, Meron.
"My name Carlos, is derived from the Latin name “Carolus,” which means “free man.”..."
Free man...
"Okay pala yung name mo eh. At least free ka. Nagagawa mo yung mga bagay na gusto mo."
Iniwas ko na ang tingin ko sa kan'ya. Ibinaling ko na lang ang mga mata ko sa harapan na kung saan tuloy pa'rin ang mga classroom officers sa pag promise.
"Hindi naman kasi ganun ang ibigsabihin nun."
"Pero may part pa'rin na pareho sa ganun. Free, in Filipino Malaya."
Hanggang sa tinawag na ang pangalan ko. Kaya wala Akong nagawa kundi ang sumimangot at pumunta sa harapan para magsalita.
"Hindi ko talaga ginusto na maging Muse niyo. Kasalanan niyo naman ihh kayo ang bomoto sa'kin. Kaya ito lang talaga ang masasabi ko, ayokong mangako. Kasi sabi ni Ate H, 'Promises are meant to be broken'. Baka may role pala Ako na hindi ko nagampanan tapos pinangakuan ko pa pala, tapos pagsisisihan ko pa. Hindi ko kaya 'yun uyy, ang hirap kaya kapag nasa ganung sitwasiyon ka. Kaya hindi Ako mangangako. Gagawin ko na lang ang best ko at kayo na bahala sa iba. Wala po talaga akong sasabihin, yun lang talaga."
MABILIS natapos ang Oras. Matapos kong magsalita ay sumunod si Carlos Gadiane na ganun din ang ginawa. Ginaya niya ang sinabi ko.
DUMATING ang RECESS Time kaya mag-isa akong lumabas ng classroom at hinanap ang Canteen. Marami Akong nakitang mga canteen dito kaso pabalik-balik lang ang mga benta nila.
Kaya naisip ko na Megoreng at Juice na lang ang bilhin ko. Usap-usapan kasi sa section namin ang Megoreng, masarap daw at nang mahanap ko naman ay nagulat na lang Ako sa haba ng pila. Kaya sure siguro na masarap.
At nang matikman ko naman ito ngayon, totoo nga naman ang usap-usapan, masarap nga naman talaga.
Naisip ko na puntahan si Ate A. Dito din kasi niya naisipan na mag-aral. Kaso, agad naman Akong napahinto nang ma-realized na hindi ko pala alam kung saan ang Building niya.
Ganoon din ang building ni Ate Willow at Ate D. Napaka masikreto talaga nila.
Sina Ate H at Ate Queen naman, wala dito. Hindi sila dito nag-aral.
NANG tumunog na ang bell ay bumalik na kaagad Ako sa classroom. May mga Subject Teachers na pumapasok, kaso kagaya pa'rin kanina, puro Introduced yourself lang naman ang nangyayari.
LUNCH TIME ay sa classroom lang Ako kumain. Nagdala Ako ng baon, actually, pinadala Ako ng baon ni Ate Willow. Kasi wala daw Cafeteria dito sa school na ito. Hindi uso ang cafeteria dito, Canteen lang. Kaya nagdala na lang Ako.
Mag-isa lang Akong kumain. May kumakain din naman dito sa classroom, kaso marami sila. Samantalang ako, mag-isa lang, walang kasama. Sila kasama ang mga kaibigan, Ako kasi ay wala talaga.
Pero dahil 'Pagkain if Life' Ako, wala na akong pakialam dun. Basta may pagkain, kakain lang Ako.
INTRODUCTION pa'rin ang nangyayari sa buong maghapon. Ka da may pumapasok na guro, nagpapakilala kami ULIT Isa-isa. Umabot din sa punto na pinakuwento kami tungkol sa pamilyang meron kami.
"Ako po ay Bunso sa pamilya namin. Meron po akong Isang Kuya at Ate. Marami po akong mga pinsan. Ang iba ay nasa labas ng Pilipinas, nag e-enjoy po." sumimangot ako. "Ganun din yung Papa ko, wala sila dito. Ate ko lang ang kasama ko, atshaka mga pinsan ko. Mahirap, pero kakayanin na lang po."
DISMISSAL. Mabilis natapos ang oras. Ngayon ay mag-isa nanaman Ako, mag-isang naglalakad palabas ng campus.
Sa Soccer Field Ako dumaan. Napansin ko na kahit alas singko na ay marami pa'rin talaga ang naglalaro. Wala kaya silang balak na umuwi?
4:00 pm ang uwian. Pero 5:00 na ngayon, dahil tamad si Teacher. Pinalinis niya sa amin ang buong classroom. Malaki ang classroom, okay lang sana kung nag walis lang, pero flinorwax pa talaga namin at nilampaso ang classroom. Ang sarap niyang saksakin.
Pero bawal. Baka magkasala pa Ako.
Kung alam ko lang na ganito pala dito kapag first day of school edi sana hindi nalang muna ako pumasok dito sa school.
Hindi naman sa tamad ako, ang hirap kasi yung maglilinis ka pa sa bahay, tapos dito sa classroom maglilinis karin. Tapos may mga kaklase ka pang marunong magkalayat ng barusa, pero hindi marunong magtapon sa tamang lalagyanan.
Nang makalabas na Ako ng campus ay naglakad Ako papunta sa sakayan ng Jeep. Sa sakayan na kung saan nakaparada ang mga jeep.
May SUV naman kami, pero mas gusto ko talaga na mag commute. Ayoko na mas'yadong agaw pansin, dapat lowkey lang.
Puro na lang din kasi Ako Aircon ihhh, kaya dapat sanayin ko din ang sarili ko na mainitan. Hindi yung palaging nasa aircon nakababad po. Masama po yun sa health.
...
...
TO BE CONTINUED .....