CHAPTER TWENTY-NINE: (ANOTHER CONTINUATION OF THROWBACK CHAPTER PART 2) ••• ••• "Ano nga ba ang inaasahan ko," Nilapitan ko siya at itinutok ko ang kutsilyo sa bandang dibdib niya. "Nasagot mo nga ang mga tanong ko kanina, pero bakit napapansin ko sa bawat sagot mo na may mga nakatago pa'rin na hindi pwede'ng sabihin? Behind those answers, there's a deep meaning." Idiniin ko ang pagkakatusok, mabuti na lang at makapal ang suot niyang damit dahil hindi pa ito tumatagos sa balat niya. Hinintay ko na magalit siya at pigilan ang gagawin ko, pero ni kahit gumalaw or sabihan man lang ako na 'huwag' ay hindi niya ginawa. Para bang hinahayaan niya lang ako na gawin ang gusto kong gawin sa kan'ya. Kung ibabaon ko kaya ito sa dibdib niya? Para mamatay na siya? Hahayaan din ba niya ako? Tss!

