CHAPTER FOURTY-FOUR: ••• ••• BAGSAK ang balikat ko na naglakad papasok sa Head Quarter namin. Tulala' 'rin ako sa dinaraanan ko. Kumbaga parang wala ako sa sarili. Lutang ang utak ko. Kung ano-ano ang iniisip ko. Una, si Kuya Kent. Tapos sumunod itong babae na nagpakilalang si 'Blaire'. 'Hazel Eyes...' Natural lang naman siguro na ganiyan ang kulay ng mga mata namin diba? Kumbaga namana lang naman namin 'to sa Papa namin. Ano namang masama dun? "Papa... Bakit kailangan pa po akong magsuot ng contact lense?..." Bigla kong naalala ang eksena nung bata ako. Na kung saan may dinaluhan kaming party, tapos pinasuot niya ako ng contact lenses. Nagtanong ako kasi na curious ako, bilang Isang bata na nasa edad na anim pa lang, na curious na ako kung para saan ang pagsuot ko ng contact lens

