Papunta ako sa bahay ni Manong Steban. May sarili silang jeep simula't sapol ay sa kaniya ako lumalapit para may maipantustos ako sa mga kapatid ko. “ Ah, Tacia, ano't naparito ka?”seryosong tanong niya sa akin habang pinupanasan niya ang kaniyang jeep. Ngumiti ako sa kaniya, at matic na alam niya kung ano ang pakay ko. “ Sige, saglit lang tapusin ko muna ito ah.” sambit niya kaya marahan akong umupo sa loob ng jeep niya. “ Namiss ko tuloy magdispatcher sayo, Manong Steban kumusta na po pala ang pamamasada niyo?”pangungumusta ko “ Okay lang naman medyo mahina lang ang kita pero nairaraos ko naman ang pamilya ko. ”sagot niya. Wala na siyang asawa dahil sumama ito sa ibang lalaki. Iniraos niya ang tatlo niyang anak na babae na mag-isa. Na-walang tulong sa ibang tao. Ganiyan kabait si Ma

