Umuwi akong namumugto ang mga mata ko. Nag-alala akong sinalubong ng isa kong kapatid na si Siyansi. “ Umiiyak kaba ate?”nag-alalang tanong niya sa akin. Nanghihina akong naglakad at inalalayan naman ako nito. Pinaupo niya ako sa luma naming upuan. “ Kukuha muna ako ng tubig. ” Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kusina at agad na nagsalin ng tubig mula sa jar. “ Inumin mo ito ate.” agad niya itong pinainom sa akin. “ Anong nangyayari, Ate?”muling tanong niya sa akin. Sasabihin ko ba sa kaniya ang break up naming dalawa ng boss ko? Wala naman kasing KAMI. Kaya wala akong karapatan sa kaniya. Umulit sa tenga ko ang katagang binitawan niya sa akin. Kaya't lalo akong naging emosyonal. “ Kuya, si Ate.”biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kapatid kong si Zeb. “ Anong nangya

