Nayayamot man sa nangyari ay pinilit pa rin ni Derrick ang maging mahinahon. Habang si Gia naman ay panay ang pagtitipa sa telepono. Alam na alam niyang tinatawagan nito si Onyx. “s**t! Pick up, Onyx . . . Please,” wika nito sabay pahid sa luhang naglandas sa pisngi. It's been an hour simula nang nakarating sila sa mansyon. At mag-iisang oras na rin at hindi pa raw lumalabas ng kanyang silid si Onyx kasama si Zhyn. Nakuha niya ang impormasyon na iyon mula sa isa sa mga kasambahay ng mansyon na patay na patay sa kanya. “Damn it, Onyx . . .” “Gia. Maaari bang kumalma ka?” “Kumalma? It's been an hour, Derrick! Paano kung nilandi na naman ng babaeng ’yon si Onyx. Ikaw? You seemed okay. Hindi mo ba naiisip ’yung iniisip ko? Aren't you jealous?” Nagbubulungan sila habang hindi tumitingin sa

