“Onyx! How is she? Is Chelsy okay? Wha-what happened? Where’s Sy? Is baby Sy with her?” sunod-sunod ang mga katanungan na ibinato ni Gia kay Onyx. Umiiyak na rin ito na para bang ubod na nasasaktan at labis na inapi. Ang mga mata nitong medyo singkit ay mas lalong naniningkit dahil kanina pa ito umiiyak. Kung wala lang siya sa harap ngayon ng marami ay kanina pa sumabog ang kanyang tiyan sa katatawa. ‘Indeed, you are a great actress, Gia. Sana nag-artista ka na lang imbes na maging trying hard painter,’ wika ni Derrick sa isip niya. Ang usapan nila ay mas pag-iigihan pa nito ang palabas. He wasn't expecting na malalagpasan pa nito ang kanyang expectations. A smile crept into his mouth while his eyes were on the verge of sorrowful tears. Hindi lang si Gia ang magaling umarte, kung hindi ay

