Unti-unting tumigil ang kanilang sinasakyan kaya mabilis siyang lumapit kay Derrick. Kanina pa siya nag-aalala rito dahil kanina pa ito pikit nang pikit. Kahit nginingitian siya nito sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin ay alam niyang tinitiis lang nito ang sakit. Malinaw naman niyang nakikita ang namumutla nitong mukha at bahagyang pag-kunot ng noo. “Sir Derrick, nasa black mansion na po tayo. A-ayos ka lang ba? Sa-sandali, tata—” Hindi niya mapigilang mahabag para dito. Kung tutuusin ay siya dapat ang tatamaan ng bala. Ngunit hinarang iyon ni Derrick kaya ang naging resulta ay balikat nito ang nadaplisan. Samantalang napatay naman ang umatake sa kanila nang barilin ito pabalik ni Derrick na malinaw pa ring nakaukit sa isipan niya. “No, it's okay. Medyo nahihilo lang ako. I'll be f

