Mahigit sa dalawang oras na rin siyang nasa hardin. She could feel the surroundings getting colder. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang pilit na alalahanin ang iba pa tungkol sa kanyang nakaraan. Nakaidlip lang siya sandali ngunit nagising din agad. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa kanya. Ngayon na may sariling buhay na ang kanyang kapatid, at si Onyx naman ay abala na rito, mas lalo lang lumakas ang pagnanais niyang mahanap na si Sy. Iniisip niyang kung narito na ang pamangkin niya at naging okay na ulit ang kakambal niya at sng lalaking mahal niya—maari na siyang magpakalayo-layo. O hindi kaya ay bumalik na sa lugar ng mga kumupkop sa kanya. Maliban sa labis siyang naguguluhan sa mga nangyayari ay tumatak pa sa isip niya ang paraan ng pagkakatingin ni Chelsy kay Derrick. Iniisip ni

