"If you procrastinate when faced with a big difficult problem... break the problem into parts, and handle one part at a time." Yanna's pov "I'm sorry kung pati ikaw nadamay sa problema ko." saad ko kay Benedick. Kanina pa kami paikot-ikot. "Ginusto natin ito so huwag mo na sisihin pa ang sarili mo." saad nito. "Wala pa tayong kain, baba muna tayo." dugtong niya nong may nadaanan kaming isang karinderya. "Diyan tayo kakain?" alanganing sabi ko. Tumango ito saka niya pinagdaop ang palad namin. Tiningnan ko ito. Napansin naman niya na nakatingin ako sa mga kamay namin kaya tumigil ito sa paglalakad papasok sa kainan. "Starting for today, ako na ang bahala saiyo." malungkot ang mga matang turan nito. Hinila ko ang kamay ko. "Hindi mo ako responsibilidad." sabi ko dito. Umupo siya sa isa

