"Mother and daughter never truly part, maybe in distance but never in heart.There’s nothing quite as special as the unique and unbreakable relationship between a mother and her daughter. Mothers want what’s best for their children and daughters look up to their mothers for inspiration and advice. The relationship may shift and change as time goes on but one thing always remains the same: the unconditional love that they have for each other.
Yanna's pov
Sabi ni Gianne sa bahay nalang daw nila kami sa Manila magstay kaya kinuha ko na din ang ibang mga gamit ko. Si Hammer nalang din ang nagsundo sa amin.
"Ready?" bungad niya pagbaba ko ng hagdan. Nakawalking shorts na faded blue lang ito at V-neck na white tshirt. Siya ang pinakatahimik sa kanilang lahat at pinakaseryoso... Madalang lang itong ngumiti kaya naman madalas siyang mapagkamalang suplado. Gwapo ito, at maganda ang postura. Kapansin-pansin din kasi ang magkabilang dimple nito sa pisngi na lalong nagpapaattract sa mga babae. Maliban sa napakasimple niyang tao. Masasabi kong isa siyang ideal boyfriend.
"Hey, are you done checking on me."nagpapacute pang sabi nito...
"Let's go you will drop first your things bago tayo pumunta sa glamorosa." nahihiya naman akong sumunod sa kanya. Nagpaalam ako kay manang bago tuluyang lumabas. Nasa loob na din ng sasakyan si Gianne.
"Kung matangkad lang ako Yanna baka hindi na matukoy kung sino ang Gianne sa atin." sabi nito pagkaupo.
"No, matangos ang ilong ni Yanna kahit magkamukha kayo. Unlike you." hindi mapigilang sabi ni Hammer. Nagsisimula na naman sila.
Sinalpak ko ang headset sa tainga ko. Nagplano na ako kung ano ang gagawin ko sa trabaho. Marunong naman akong magluto kahit paano kaya susubukan kong mag-apply baka sakaling may tumanggap sa akin.
Hindi naman traffic kaya mabilis din kaming nakarating. Pumasok kami sa isang subdivision. Bawat bahay na nadadaanan namin ay sumisigaw ng karangyaan. Pumasok kami sa isang gate. May isang guard na nakatayo. Huminto saglit si Hammer bago muling pinaandar ang sasakyan. Kapag nasa labas akala mo maliit lang ang pinasukan namin pero isa pala itong family compound na kung bibilangin ay nasa lima ang bahay. Pare-parehas ang pintura, style lang ang pagkakaiba at ang laki.
"We're here." agaw pansin ni Gianne.Nauna na itong bumaba. Sumunod naman ako. Inayos naman ni Hammer ang pagkakapark ng sasakyan. Sumunod dito si Gianne dahil kukunin niya ang nga gamit namin. Susundan ko na sana ito nong may nagsalit sa likod ko.
"Good morning mam." sabi ng isang babaeng tantiya ko ay nasa 20 pataas ang edad. Nakauniform ito ng baby pink. Ito siguro ang katulong.
"Good morning too." pero kumunot ang noo nito nong lumapit si Gianne sa akin
"Let's go Gianna." Gianna? Ah, namadesguise nga pala ako.
"G-good morning mam." nautal na sabi nito. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
"Siya si Gianna. My twin sister." sabi nito sa isa.
"Ah kaya pala dalawang Gianne ang nakikita ko." sabi niya.
"Sorry po mam hindi ko alam na may kambal po pala si Mam Gianne." nagbago naman bigla ang expression nito. Tinignan ko lang siya saka na ako sumunod sa loob. Napansin kong wala si Hammer.
"Where is Hammer?" tanong ko.
"Pumunta siya kay Benedick. The rest are on their way."sabi nito.
"Marie..." tawag niya.
"May kasama tayo dito?" tanong ko. Inilibot ko ang paningin ko. Maganda ang pagkakadisenyo ng bahay nila. May nakita akong family picture. Kinuha ko iyon at tinitigan...
"They are cousins... Del Castillo cousins." sabi niya. Ibinalik ko ito. May nakita akong picture ng dalawang batang babae. Ang cute nila.
"Thats me and Gianna. " biglang lumungkot ang mukha nito.
"Marie..." sabi ulit nito. Lumabas sa kusina iyong babaeng sumalubong sa amin kanina.
"Mam namalengke po si Marie. May ipag-uutos ka po ba?" tanong nito.
"Clean the room beside me. Gianna will occupy it." utos niya.
"Sige po mam." sagot ng isa.
"Ahm Gianne, kelan ko pwedeng tanggalin itong mask ko?"
"After, aalis din tayo agad. Antayin lang natin iyong iba." sabi nito.
"And I forgot to tell you hindi nga pala makakasama si Benedick. May aasikasuhin daw." sabi pa.
"Much better." sagot ko naman. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Makalipas ang ilang minuto ay may tumawag na kay Gianne na katulong
"Mam nasa garahe na daw po sila sir Hammer." sabi nang isang katulong na si Lou.
" Alis na tayo." tumayo na ito bago hinarap ang katulong.
"Pakisabi kay Marie ilagay na niya sa kabinet namin ni Yanna ang mga gamit namin pagdating." nangunot naman ang noo nito. Yanna? dinig ko pang bulong nito sa sarili niya.
Paglabas namin ay sakto namang lalabas sa kabilang bahay si Jigz at Leo an nagtatawanan. May kasama itong babaeng kulang nalang maghubad sa suot na damit.
"Yan ang bahay ni Benedick." Turo nito sa nilabasan ng tatlo.
"Sino iyong babae?" curious kong tanong.
"Their toy." sagot niya.
"What do you mean?" sabi ko.
"You'll know someday." tipid na sagot niya. Saka niya ako hinila palapit sa kanila.
"Where is Hammer?" tanong sa dalawa pero iba ang nagsalita.
"Hi Gianne, long time no see. Hammer is still inside." sagot nung maarteng babae
"I'm not talking to you!" masungit niyang sagot.
"Oh, who is real and who is fake."? nairita naman ako sa klase ng tanong niya, and I am curious too kung paano niya nalamang peke ang isa sa amin
"Don't ask who is fake, because you're referring to your self." magaspang kong sagot. Biglang uminit ang ulo ko eh.
"ooopppsss, So you are!" tuwang-tuwa pang sagot niya.
"Dont mind her Gianna." sabi ni Gianne.
"Tumabi ka sa dadaanan namin baka di kita matantiya." sabi pa niya bago niya binangga ito sa balikat. Wow may ganon palang ugali si Gianne?
Hinanap niya si Benedick sa loob ng bahay pero tanging si Hammer lang ang naabutan niya sa sala. Kaya dire-diretso itong umakyat sa taas habang ako ay nakasunod naman dito. Narinig pa naming nagsisigaw ang babae sa ibaba.
"Hey you b***h, may araw ka din sa akin." sigaw nito pero hindi na niya pinansin.
"Benedick!!!" katok nito sa pinto.
"Benedick come out!" wala paring nagbubukas kaya pumasok na ito. Sakto namang palabas lang ng banyo si Benedick na walang maski anong saplot sa katawan. Napatitig ako sa mukha niya pababa. Particular sa kanyang p*********i. First time kong makakita kaya para akong natakot na parang gusto ko pang titigan.
"Ayyyyyyyy" sigaw namin ng sabay.
"What are you two doing here in my room. Oh s**t! turn around!" tarantang sabi nito. Hindi niya alam kung tatakbo siya pabalik ng banyo o ano.
"Maniaccccccccc! Oh God what is that thing!" nanginginig paring sabi ko.
"Tang'na mo ka sinabihan na kita na huwag mong papupuntahin iyong babaeng yon dito!" galit na sigaw ni Gianne sa kanya. Tulala parin ako dahil sa middle east bawal masyadong conservative ang mga tao kaya bago sa akin lahat.
"Gianne why did you come here in my room. You didn't even knock!" galit ding bulyaw nito.
"So it's my fault that after you had s*x with that w***e you forgot to bring atleast a towel in your bathroom?" litanya ng isa.
"Bit not bad dear cousin, atleast it's big enough to satisfy the needs of that whore." Napangisi pa itong parang nang-aasar.
"Gianne for God sake this is my house and this is my room. I can do whatever I want sinong may sabing pumasok kayo sa kwarto ng ibang tao without informing them. And what are you talking about? Can you please leave her alone!" palipat-lipat nalang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Tell me Benedick, Is she the reason why you don't want to come with us?" hindi parin natapos na pagbubunganga ng isa.
"Gianne do I need to report everything to you?" nang-iinsultong tanong niya naman.
"Benedick you are the one who told me to tell about Tita Jane, and now you're backing out? Because you choose that w***e to be with you than me and Yanna?" masama ang loob na turan ni Gianne. But wait Jane,?My mom???
"Just please, go out." Pakiusap ni Benedick.
"Okay, but I will tell you, I am not going to leave that slut alone. You moron!"