Chapter 7

1290 Words
Chapter 7 Yanna's pov... Tahimik lang siyang nagmaneho... Hindi ko na din ito kinibo. Mahigit 3 hours na siguro kaming tumatakbo dahil inabutan pa kami ng traffic nong pumasok ang sasakyan sa isang lumang bahay na 2 storey... "You can stay here as much as you want." sabi niya bago kinuha ang aking dala. Naglakad na din siya papasok. Sinundan ko naman ito. "Good evening po sir ako na po ang magbibitbit ng dala niyo." Sabi ng katiwala siguro nila. Bumaling ito sa akin pero katulad ni Benidict nagulat din siya. "Mam Gianne maligayang pagbabalik po. " Sabi pa niya. Akmang yayakapin niya ako pero maagap ko iyong pinigilan. "ahm, Nice meeting you po." nagtaka man siya sa inakto ko ay hindi nalang ito kumibo. "Manang pakiayos naman iyong kwarto ni Gianne." utos nito sa katiwala. "Sige po sir. Kumain na po muna kayo habang inaayos ko iyong kwarto ni mam." Magiliw niyang sabi. Napansin ko namang nakatitig lang sa akin ito kaya tinanong ko siya. "Why?" tanong ko pero umiling lang siya. "Let's eat first before you rest." sabi niya. Sumunod na din ako. "I will go back in Manila tomorrow morning. So you will stay here alone with Manang. If you need something or you want to go somewhere just tell me." Benedict... "I can handle myself." sagot ko naman. Nagsandok na siya ng kakainin niya pero pinapanood ko lang siya. "Do you want me to feed you?" tanong nito "No, I am not used to it." sagot ko habang nakatingin sa pagkaing nasa harapan namin. "Which one? serving you like a princess? or you are not used to see the food infront of you?" nang-iinis na tanong niya. "Never mind." sagot ko saka ako nagsandok ng pagkain. Pero hindi ko itinuloy nong nakita ko kung ano ang ulam. Napansin naman ito agad ng lalaki. "What? Don't you want the dish?" tanong niya habang nakataas ang kanyang kilay. "Take that away from me!!!" bulyaw ko. "Ohhhhh, you are Gianna right?" nakangising tanong niya. "Bastard!" patayong sabi ko. Nagmartsa ako palabas ng dining. "Hey heiress you don't have choose than to eat meat pig." pasigaw niyang sabi habang tumatawa. Nakangiti namang bumababa ang katulong. "Mam nakahanda na po ang kwarto mo. Akyat nalang po kayo, dinala ko na din po ang mga gamit mo sa taas." Sabi parin niya. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking mga kamay. "Ang ganda-ganda talaga ng alaga ko. Hindi ka pa ba kakain?" tanong niya habang hinahaplos ito. "I don't like the food. Where is my room?" tanong ko sa kanya. Pagtataka naman ang makikita sa kanyang mga mukha. "Mam nakalimutan mo na po kung nasaan ang kwarto mo?" hindi makapaniwalang tanong nito. "I am not Gianne. So where is my room?" naiiritang tanong ko. Itinuro lang niya kung nasaan ang kwarto ko saka mabilis akong iniwan. "Sir? okey lang po ba si Gianne?" dinig ko pang tanong nito sa kasama namin. "Huwag mo siya pansinin manang. Umupo ka na diyan para may kasabay naman ako." sagot naman niya "Sir pangit ba ang lasa ng niluto ko? Ayaw daw kasi niya." sabi pa nito "Manang simula ngayon huwag ka na magluluto ng karne ng baboy. Hindi pwede kay Anna." Benedict "Anna? Sino si Anna sir at bakit sabi niya hindi daw siya si Gianne.?" katulong "Manang mahirap ipaliwanag... pero hindi siya si Gianne. At hindi din siya si Gianna." sagot naman niya. "Gianna? Anna... siya si Gianna pero hindi siya?" naguguluhang tanong naman ng isa. "Basta manang hindi siya si Gianne. At mas lalong hindi siya si Gianna. Malalaman mo din pero hindi pa ngayon. At teka nga manang. Bakit kanina ka pa sir ng sir sa akin?" Benedict "Ay hehe kasi naman iho hindi na kayo bata na pwede ko lang tawagin sa mga pangalan niyo kaya Si....." "Manang bata man kami o matanda mas gusto namin ang dating tawag mo sa amin period. " putol nito sa sinasabi ng katulong. "Sige na nga iho... So kelan mo liligawan si Gianne?" narinig ko pang tanong nito kay Benedict. Nagtaka ako kasi magpinsan naman si Gianne at Benedict Bakit niya liligawan? Parehas lang din kaya ang rules ng Saudi at Pinas when it comes to marriage? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko na din narinig ang sagot nito dahil umakyat na ako. May Limang kwarto ang nasa taas at may mini sala... Hindi ko alam kung alin ang kwarto ko. Kaya no choice kundi umupo muna ako sa sofa. May mga album na nasa ilalim ng mesa kaya kinuha ko ito. Binuklat-buklat ko, puro mga bata lang ang laman. Dalawang babae na sigurado kong si Gianne at Gianna saka isang lalaki na pinapagitnaan nila. "Buti pa sila masaya ang childhood nila. Palibhasang ako nakakulong lang sa masyon. Kung sana naranasan ko din ang ganito, siguro may mga masasayang memories din ako. Hindi ko man lang kasi naranasang makipaglaro sa iba. Kundi mga anak lang ng mga kaibigan ni Daďddy kapag napapasyal sila doon." Naiinggit kong bulong sa sarili ko habang nakatingin ako sa mga larawan nila. "Why don't you go to your room?" nagulat ako nong biglang may magsalita sa likod ko. Ang mukha niya ay malapit sa mukha ko kaya nong napalingon ako halos mahalikan ko na siya. "Hey don't scare me! Badass!" sabi ko saka ko itinulak ang mukha niya. "Haha, you're spacing out." sabi niyang tumatawa. "Hindi ko alam kung saan ang kwarto ko. Kaya paano ako pupunta doon?" sagot ko. Blangkong napatitig naman siya. "You know how to speak tagalog?" takang tanong nito. " You heard it right? Why bothered asking?" pilosopo namang sagot ko "The heiress knows how to speak our language? Interesting! O pinag-aralan mo na ito bago ka tumakas sa ama mo?" Benedict. "Just tell me where the hell is my room." inis kong sagot. "Oh huwag kang hot. Pinahirapan mo pa akong mag english marunong ka naman palang managalog. tsk tsk tsk... Oh dun ang kwarto mo sa tapat ng kwarto ko." sabi niya. "And where is your room?" kunot noong tanong ko. "Aha! why? do you want to stay in my room instead?" pilyong ngiti niya habang itinataas baba niya ang kanyang kilay. "Maniac! How do I know where is my room if I dont even know your room?" galit kong sigaw sa pagmumukha niya. "Oo nga ano.? Second room left side... and my room is just infront of it. Baka gusto mo akong tabihan mamaya." Nang-iinis ulit na sabi niya. "Bullshit!" padabog kong sabi bago umalis sa harap niya. Dumiretso na ako sa kama pagkapasok ko. Patihaya akong humiga. Inikot ko sa buong kwarto ang paningin ko. "Ang swerte ni Gianne may buong pamilya siya at nakasama pa niya ito sa paglaki. Ano kayang pakiramdam? Kumusta na kaya ang mommy? Kumusta na kaya ang Daddy?" "Gianna iha, kumain ka na muna bago ka matulog." sabi nong katulong habang kumakatok. Hindi ko ito kinibo. Dahan-dahan naman niyang binuksan ang pinto. "Gianna iha hindi ka ba nagugutom?" tanong pa ulit nito. Tinignan ko ito. "How long are you here." tanong ko din. "Mga bata palang sila Benedict at Gianne ay nanilbihan na ako sa magulang niya. Pero madalang ko silang makita. Dahil sa Saudi sila nakatira. Once a year lang sila dumadalaw dito. Alam mo ba iha kahawig mo talaga si Gianne. Sabi ni Benedict hindi daw ikaw si Gianne at hindi ka din daw si Gianna. Ano palang totoong pangalan mo iha?" tinanong ko lang naman kung matagal na siya dito pero andami na niyang sinabi. "I'm not Gianne nor Gianna because I am Yanna." bulong ko na alam ko namang narinig niya. "Oh siya iha kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ha. Ako pala si Melda." masayang sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD