CHAPTER 100 JILLIAN's POV: "SAAN KA PUPUNTA?" tanong ni Calix nang makita niyang nakasuot ako ng magandang damit at may dalang bag. "Dadalawin ko lang yung asong ulol. Titingnan ko lang kung ano ang kalagayan niya sa kulungan. Baka kasi merong special treatment na nagaganap," sagot ko naman sa kanya. "Gusto ko mo bang samahan kita?" "No need Calix. I can handle this naman," turan ko sa binata. Balak kong puntahan si Havana sa presinto para makita ko mismo ang pagdurusa niya sa loob. Hindi naman ako makakapayag na walang exciting part na nangyayari sa kanya roon. At kaya ako may dalang bag dahil meron akong babayaran na mga preso para pahirapan si Havana. She's not a queen anymore. Kung dati ay kontrolado niya ang mga taong nasa paligid niya, ngayon ako na mismo ang magkokontrol ng t

