Chapter 24: Hungry

1515 Words

Unti-unting iminulat ni Larah ang mga mata niya. Puting kisame na naman ang unang nasisilayan niya sa tuwing may mangyayari sa kaniyang ganito. Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Nadapo ang tingin niya sa mga taong natutulog sa sofa na kulang na lang mahulog ang mga ito dahil sa kakaibang posisyon. Napabaling ang tingin niya sa taong nakayukong natutulog sa gilid ng kama niya. Hawak pa ang isang kamay niya rito at bahagyang inunan pa sa mukha. Napangiti siyang tumitig sa mukha nito animo’y simpleng tao lang na kahit lamok hindi kayang patayin. Ang taong ito ang dahilan kung bakit nandito na naman siya sa pagamutan. Bahagyang bumalik sa alaala niya ang nangyari kung paano niya ginawang kalasag muli ang sarili niya para lang hindi tumama sa lalaking ito ang bala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD