LUMIPAS ang tatlong araw tuluyang maayos ang pakiramdaman ni Larah. Kasalukuyan siyang nasa rooftop ng kabilang building kung saan niya nakita ang bumaril sa kanila noong nakaraan sa hallway. Ilang minuto lang siyang nanatili sa rooftop bago bumaba. Nang makababa siya’y ’di inaasahan ang taong ayaw na ayaw pa sana niyang makita. Gulat itong nakatingin sa kanya. “Pa--paano ka nakabalik dito?” kunot-noong tanong nito sa kanya. Wala siyang balak sagutin ang tanong ng binata. “Buti binuhay ka pa sa Lolo mong gahaman,” turan niya rito. Kita niyang kumunot ang noo sa lalaki dahil sa sinabi niya. “Ano’ng pinagsasabi mo?” “Hindi mo ba naisip na baka ginamit lang kayo ng Lolo n’yo para sa sarili niyang kapakanan.” Bigla siyang nilapitan ni Arnold at diniin sa pader ng mahigpit. Kita niya