Chapter XX

1266 Words
Alam niyang pagkatapos na bumisita ni Kiefer sa kanilang tahanan ay may tila nagbago sa binata. Para bang may malalim itong iniisip. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong tanungin ang boss tungkol dito ay sunod-sunod na ang mga sinabi niya. Mabuti na lamang at mukhang okay naman ang binata. Mukhang ibang bagay ang bumabagabag dito. Pinagmamasdan niya si Kiefer na kinukuhaan ngv litrato. Mukhang sanay na sanay itong kunan ng litrato. Kapag sinabi ng photographer na tumingin sa isang side o kaya kung anong posing ay sinusunod ito ni Kiefer. Para bang professional model. “Buti na lang wala ng nagawa si Kiefer.” Napatingin siya sa nagsalita at nakita si Benedict. Paika-ika itong lumapit sa kanya at pinagmasdan ng ang binata. “Dapat po maupo ka muna, sir,” sabi niya. “Don’t call me sir. Hindi naman ako ang boss mo. Benedict na lang,” sabi nito sa kanya. Napangiti siya. Katulad lang ito ni Kiefer na ayaw magpatawag ng sir kapag wala sa opisina. “Same kayo ni Kiefer, drop the sir kapag outside ng office,” sabi niya. Natawa naman si Benedict sa kanya. “Maybe na isa iyon sa dahilan kung bakit magka-vibes kami ni Kiefer. We were classmates way back in college. Masasabi kong malayo na ang narating ni Kiefer. Dati struggle was real kay Kiefer noon. Kung hindi sa tulong ng isa namin prof ay matagal na siyang sumuko. Sadly, namatay ang prof namin iyon. Kiefer lost the will to study kaya hindi siya nakapagtapos.” Nanlaki ang mga mata niya. “Undergrad si Kiefer?” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman si Benedict sa kanya. “Yup. Pero hindi hadlang ‘yun para maging successful. Tingnan mo CEO,” sagot nito sa kanya. “Anyway, may dahilan pala kaya ako nahulog sa hagdan. Ayan, nabigyan ng break maging model,” dagdag pa nito. Napangiti na lang siya. “Lanie!” sigaw ni Benedict at lumapit ang binabae. “Yes, darling?” “I got to go na. Papa-check ko pa ang ankle ko baka may fracture. Mahirap na,” sabi ni Benedict. “Go darling. Sa susunod kasi ‘wag shunga okay? ‘Wag makipag-chat habang bumababa ng hagdanan!” Humalakhak lang si Benedict at paika-ikang lumabas ng studio. “Who are you?” tanong ni Lanie sa kanya. “Secretary po ako ni Sir Kifer,” sagot niya. Tumaas ang plakadang kilay nito sa kanya. “Secretary? Seryoso ka?” tanong nito. Tumango siya. “Hindi ka girlfriend?” Mabilis siyang umiling. “’Di nga?” “Oo nga po. Secretary lang po talaga ako,” sagot niya. May kinuha itong bestida sa isang clothing rack at itinapat sa kanya. Maya-maya ay inukutan siya nito. Initaas ang dalawa niyang braso at tiningnan mula ulo hanggang paa. Muli siyang inikutan at napasigaw siya ng paluin nito ang puwitan niya. “You’re pass,” sabi nito sa kanya. Napakunot ang noo niya. “Ha?” “Girls, ayusan siya!” At katulad nang nangyari kay Kiefer ay may dalawang babaeng humawak sa kanyang braso at pinasok siya sa dressing room. Pinaupo siya at nagulat na lang siya nang simulang pahiran ng kung anu-anong pampaganda ang kanyang mukha. “Teka lang!” sigaw niya. Mabuti na lang at tumigil ang dalawa sa ginagawa sa kanya. “Anong nangyayari? Bakit inaayusan niyo ako?” tanong niya. “Model ka na ‘di ba?” sabi ng isa. Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya kasi maintindihan ang ibig nitonng sabihin. “Model? Naku hindi. Nagkakamali kayo. Hindi ako model. Secretary lang ako dito. Kaya tigilan niyo na ako—” “Karamihan sa mga tumatanggi kay Madam Lanie ay hindi nakakalabas ng buhay,” sabi ng isa. Nanlaki naman ang mga mata niya. “A-anong ibig mong sabihin? Anong gagawin niya?” “Hindi ka makakalabas ng building hangga’t hindi ka pumapayag. Madam Lanie is very makulit. Kung pwede lang hanggang panaginip mo kukulitin ka niya kaya kung ayaw mong maging model. Kaya kung ako sa’yo sundin mo na lang ang gusto niya at lalabas kang may natitira pang peace of mind,” sagot ng isang babae. “Pero—” Pero hindi na muling nakinig ang dalawang babae sa kanya at pinagpatuloy ang mga ginagawa nila sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya. Pinahiran ng kulay berde ang talukap ang kanyang mga mata. Nilagyan din siya ng false eyelashes at pinlantsa ang kanyang buhok. Pinasuot sa kanya ang bestidang kulay emerald green. Chiffon ang tela nito at may mga maliliit at makitang bato sa gitnang bahagi nito. Pinasuot sa kanya ang isang pulang stiletto. Nang lumabas siya ng dressing room ay malaking ngiti ang ibinigay sa kanya ni Lanie. “Perfect! Fabulous! Elegant!” sigaw nito sa kanya. “Ara! Isama mo ang magandang dilag na ito!” “No prob, Lanie!” sigaw ng photographer. Tinulak siya ni Lanie sa tabi ni Kiefer at nakaramdam agad siya ng hiya. “Why are you here?” tanong ni Kiefer sa kanya. Ngumiti siya ng alanganin. “Hindi ko din alam. Bigla ko na lang nakita ang sarili ko na inaayusan at ito na nasa tabi mo,” sagot niya. “Yari talaga sa akin si Benedict mamaya,” sabi nito sa kanya. “Umalis na siya. Papa-check daw niya ankle niya,” sagot niya. “Ako mismo babali ng ankle niya eh.” “All right! Look at the camera!” sigaw ng photographer. Tumingin sila sa camera at handa na sanang kuhaan sila kaso biglang ibinaba ni Ara ang camera. “Teka, masyadong malayo ang agwat niyo. Lapit pa! Magdikit kayo! O lalaki, Akbayan mo si babae. Babae, tumingin ka kay lalaki. Lalaki tingin lang dito sa akin.” Nang maramdaman niya ang braso ng lalaki sa kanyang balikat ay hindi niya maintindihan ang kanyang mararamdaman. Kikiligin ba siya? Maiilang? Pero sinunod niya ang sinabi ng photographer. Tumingin siya kay Kiefer at bahagyang ngumiti. Kasabay nito ang pag-flash ng ilaw. Nang lumingon si Kiefer sa kanya ay nagtama ang kanilang mga paningin. “Perfect!” sigaw ni Ara. Hindi nila namalayang muli silang kinuhaan ng litrato. Nakailang palit din siya ng mga damit. Nang makita niya kung gaano kasaya si Lanie ay napangiti na din siya at naisip na sa simpleng ginawa niya na pagpapakuha ng litrato ay may napasaya siyang isang tao. “I’ll contact you kapag may bago kaming labas na mga damit,” sabi ni Lanie sa kanya. Binigyan pa siya ng tarheta nito kasabay ng isang sobre. “Ano ‘to?” tanong niya. Sinilip niya ang laman ng sobre at nagulat siya nang makita anh isang bungkos ng pera. “T-teka, ano ‘to?” “Talen fee mo inday! Sinobrahan ko na ‘yan para sa susunod na project ay hindi mo ako tatanggihan,” sagot nito sa kanya. “Pero hindi naman ako nagpapabayad—” “At hindi rin ako mahilig mag-123! I know everyones effort at sinsuuklian ko iyon ng tamang presyo. Mahirap maging model. I’ll contact you kapag may new set of collections kami. Babush ‘day! Ako’y may date pa!” Napanganga na lang siya dahil sa mga nangyayari sa kanya ngayong araw. “Lorie.” Napalingon siya kay Kiefer. “Here, kunin mo na din ito.” Ibinigay sa kanya ang sobre nito at alam niyang pera din ang laman nito. “Hala hindi! Sa’yo ‘yan!” sigaw niya. “It’s yours na. I have money. Mas kailangan mo iyan. Anyway, since hapon na at wala na akong babalikang trabaho sa office, let’s have dinner?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD