Chapter I

1086 Words
Chapter I: August 14, 2018                  “Good morning, Sir Kiefer!” “Sir, good morning po!” Seryoso siyang naglakad papunta sa elevator kung nasaan ang ibang mga empleyado o mas magandang sabihin mga empleyado niya. Mukhang hindi siya napansin ng mga ito dahil busy ang mga ito sa pakikipag-usap sa isa’y isa. Nang tumunog ang elevator ay nagsipasukan na ang lahat at siya ang huling pumasok. Nang makilala siya ay agad na nanahimik ang mga ito samantalang kanina ay parang mga bubuyog. Pinindot niya ang 30th button kung nasaan ang kanyang opisina. “Good morning,” bati niya at kaagad namang sumagot ang kanyang mga empleyado. Hindi nagtagal ay isa-isa ng lumalabas ng elevator ang kanyang mga empleyado hanggang siya na lang ang natira sa loob. Nang tumunog ang elevator at nakita na niya ang 30th floor ay lumabas na siya at agad dumeretso ng kanyang opisina. Pagpasok niya doon ay nakita niya ang kanyang secretary na inaayos ang mga nagkalat na papel sa sahig. “Anong nangyari dito?” tanong niya agad at natigilan naman ang secretary niya na si Abegail. Kinakabahan itong tumingin sa kanya. “A-ano k-kasi Sir, nasagi ko po ang mga files. Hindi ko po sinasadya!” sagot nito sa kanya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkainis dahil dito. Matiyaga niyang inayos ang mga files kagabi bago siya umuwi para sana maayos ang kanyang opisina ngunit ito ang naabutan niya. Huminga siya ng malalim at pilit kinokontrol ang kanyang emosyon. Hindi maganda sa umaga ang magalit. Inhale. Exhale. “Nasaan ang kape ko?” tanong niya at muli natigilan ang kanyang secretary. Nahilot niya ang kanyang nose bridge dahil sa mga nangyayari. “Ilang buwan na kitang secretary?” tanong niya. Agad na tumayo ang kanyang secretary at namumutlang tumingin sa kanya. “T-three months po,” sagot nito sa kanya. “What is the first thing you should do pagtapak mo ng opisina ko?” “You’re coffee sir.” “O nas’an na?” “I’m sorry sir.” Napailing na lang siya. Sa tatlong buwang pagiging secretary nito ay tila wala itong nagawang tama. Palagi na lamang palpak. Tumungo siya sa kanyang telepono at may pinindot na numero. Ilang sandali pa ay nag-ring ang tinawagan niya at hindi naman nagtagal ang sinagot ito. “Hello, Minerva?” tawag niya sa HR head nila. “Yes, sir?” “Hanapan mo ako ng bagong secretary. I want a competent one!” sigaw niya at ibinaba na ang telepono. Tumingin siya sa kanyang secretary na nagingilid na ang luha sa mga mata nito. “Get out of my office. You’re fired!” he said. Wala ng nagawa pa ang babae at lumabas na ito ng kanyang opisina. Somehow, naawa siya kay Abegail pero hindi niya kayang itolerate ang ganoong pag-uugali sa kanyang kompanya. He wants a competent employee. Hindi puro kapalpakan ang alam. Siya na ang pumulot ng mga kinalat nitong mga papel. Inayos niya iyon alphabetically at maingat na inilagay sa kanyang working table. Tumingin siya sa wall clock na nasa tabi ng isang mamahaling painting at pasado alas nueve na ng umaga. Lagpas na ang oras para sa kanyang kape ngunit hindi kumpleto ang kanyang araw kung hindi siya makakainom ng kape. Pinagpagan niya ang suot na business suit at naglakad na palabas ng kanyang opisina. Muli siyang bumaba mula 30th floor. Pagdating sa ground floor ay bumukas ang pinto at ng makita siya ng mga empleyado ay tumahimik ang mga ito at nagbigay daan sa kanya. Wala siyang imik na lumabas ng elevator at lumabas ng building. Nakita niya ang isang café na malapit sa building niya at doon na lang nagpasyang bumili ng kape.                  Pagpasok niya sa loob ay agad na sumalubong sa kanya ang amoy ng coffee beans. Agad na kumalma ang kanyang pakiramdam dahil sa bango na hatid nito. Umupo siya sa table na katabi ng book shelf at agad na may lumapit sa kanyang waitress. Napatitig siya sa ganda ng waitress. Mayroon itong mahaba at itim na buhok. Medyo umaalon pa ito kahit pa nakapusod ng maayos ito. May pares ito ng brown na mga mata at mapula ang labi nito. Hugis puso ang mukha nito, matangos ang ilong at mayroong high cheekbones. “May I take your order, Sir?” tanong nito sa kanya. Napakurap siya at tiningnan ang menu na nakalagay sa harapan niya. Hinawakan niya ito at namili ng kanyang order. “I want a latte and a slice of blue berry cheesecake,” sabi niya at agad na inilis ta ito ng waitress. “Coming right up, Sir!” sabi nito sa kanya at tumalikod na. Napatingin siya sa glass wall at nakita ang ilan niyang empleyado na late na pumapasok sa kanyang building. Alam naman niyang takot sa kanya ang mga empleyado niya. Kilala siya bilang monster at ruthless boss nila pero ang gusto lang naman niya ay maayos na kompanya. Ayaw niya kasing maliitin ng ibang kompanya ang kanyang Land of Dreams Corporation. Alam naman niyang kinukuwestyon ng ibang businessman kung papaano niya napalago ang negosyo gayong hindi naman siya tapos ng kolehiyo dahil hanggang second year college lang siya at hindi pa business management ang course niya noon. Hindi naman niya ikinahihiya iyon. May alas lang talaga siyang ginamit kaya nandito siya sa kinalalagyan niya ngayon. Huminga siya ng malalim. It’s been nine years mula ng mapasakamay niya ang time machine na ginawa ng kanyang propesor na si Dr. Enrique Abella. Malaking tulong ang time machine na iyon sa buhay niya. “Here’s your order, Sir.” Muli siyang napatingin sa magandang waitress na ngayon ay may dalang tray. Maingat nitong inilagay sa kanyang harapan ang order niyang latte at isang slice na blueberry cheesecake. “Thank you,” he said at ngumiti. Ngumiti pabalik sa kanya ang babae at tumalikod na. Sumimsim siya ng latte niya at napangiti dahil sa linamnam na taglay nito. Hindi siya madalas uminom ng latte, madalas niyang orderin ang espresso pero wala namang masama kung paminsan-minsan ay tumikim siya ng iba. Mabilis niyang naubos ang kanyang order at nawala ang kanyang pagkainis dahil sa kanyang secretary. Maaliwalas na ang kanyang awra ng pumasok siya sa kanyang building at umakyat sa kanyang opisina. Pagdating niya doon ay wala na ang gamit ng kanyang secretary kaya muli siyang tumawag sa HR department niya at hiniram muna ang isa sa mga tauhan nila para maging secretary niya pansamantala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD