Chapter XVII

1075 Words
“’Nay, may kasama ako,” bungad ni Lorie pagpasok ng kanilang tahanan. Napalingon ang nanay niya na abala sa pananahi ng mga punda at ang kapatid niya na abala sa pagbabasa ng libro. “Bisita? Sino ire?” tanong ng nanay niya. “Boss ko po,” sagot niya. Pumasok si Kiefer at ngumiti ng alanganin sa kanyang ina. “Si Sir Kiefer, boss ko po,” pakilala niya. “Naku! Ikaw po pala boss ni ate!” sabi ni Lawrence. Mabilis itong tumayo mula sa pagkakahiga sa plastic bench at mabilis na pinaupo ang kanyang boss. “Hello! Ako pala si Lawrence, kapatid ni ate,” pakilala nito kay Kiefer. “Magandang gabi,” sabi naman ni Kiefer. Lumapit pa ang binata sa kanyang ina at nagmano na siyang ikinagulat nilang lahat. Naramdaman niyang lumapit si Lawrence sa kanya at bumulong. “Boyfriend mo, ate?” tanong nito sa kanya. Mabilis siyang umiling. “Hindi!” sigaw niya. Dahil dito ay napatingin ang kanyang ina at si Kiefer sa kanya. “M-magandang gabi din,” sabi ng kanyang ina. “Pasensya na hijo, makalat ang bahay.” “Naku wala pong problema sa akin. Hinatid ko lang po si Lorie dito. Aalis na din po ako,” sabi ni Kiefer. “Ay teka! Huwag kang umalis!” sigaw ng kanyang ina. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil dito. “Kung gusto mo dito ka na maghapunan,” dugtong pa nito. Mabilis niyang nilapitan ang ina at bumulong. “’Nay, anong ipapakain natin kay Sir? Noodles? Tuyo?” “Sardinas,” sabi ng kanyang ina. Muling tumingin ang kanyang ina kay Kiefer at tinanong. “Kumakain ka ng saridnas, ‘di ba?” “Po?” Halatang nagulat ang binata sa biglaang tanong ng kanyang ina. “Opo kumakain naman po ako,” dagdag pa ni Kiefer. “O iyon naman pala. Lawrence, kunin mo ang isang lata ng sardinas sa may lalagyan natin. Buksan mo iyon,” utos ng kanilang ina. Mabilis na kumilos si Lawrence at ginawa ng utos ng ina. Wala siyang nagawa kung hindi ang lapitan ang boss at tanungin ito. “Pasensya ka na sa nanay ko. Baka po may pupuntahan ka, okay lang naman na mauna ka na,” sabi niya. Ngumiti si Kiefer sa kanya at umiling. “No worries. Besides, I miss eating sardines. Samahan mo na ako,” sabi nito sa kanya. Nauna pa itong naupo sa monobloc at hinintay na mabuksan ni Lawrence ang lata ng sardinas. “Pasensya ka na talaga kung ito lang ang maihahain sa’yo,” sabi niya. “Ano ka ba, Lorie? Hindi naman ako nagrereklamo. Hindi ba’t sinabi ko sa’yo galing din naman ako sa hirap.” Nagpatuloy silang kumain. Pinaghatian nila ang isang lata ng sardinas at tahimik na kumakain. “Mahilig ka kay Mitch Albom?” tanong ni Kiefer sa kanyang kapatid. “Kilala mo si Micth Albom?” tanong ni Lawrence. “Oo naman. I like his book, The Five People You Meet in Heaven. Iyon ang pinaka-favorite book ko,” sagot nito sa kapatid. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng kanyang kapatid. “Talaga? Gusto ko basahin iyon eh! Alam mo ba noong nasa ospital ako, may nakasama ako sa ward na fan din ni Mitch Albom. Binigay niya itong book na ito. For One More Day. Ilang beses ko ng binasa ito pero ‘di ako nagsasawa. Ang mahal lang ng libro eh,” sabi ng kanyang kapatid. Hindi siya bookworm kaya hindi siya maka-relate sa usapan ng dalawa. Pero ito ang unang beses na makita niya na ganito kasaya ang kapatid niya. Naisip niya na maganda pala makakilala ka ng taong pareho ang hilig. NAIINIS SIYA. Naiinis siya dahil nabastos si Lorie ng mga lalaking nag-iinuman sa isang tabi. Hindi niya gusto ang binabastos ang isang babae. Hindi dapat sinisipulan ang babae. Nangangati ang mga kamao niyang sumuntok ng panga ngunit pinigilan siya ni Lorie. Hindi siya papayag. Dito niya naisip na gabi-gabing nararanasan ito ng dalaga. Aaminin niya, hindi siya komportable sa lugar na ito. Maingay, madumi, maraming tao. Pero anong magagawa niya kung dito nakatira si Lorie? Sino ba siya para pagsabihan ang dalaga na lumipat ng bahay. Ramdam niyang nahihiya ang dalaga sa kanya. Mga tipid na ngiti lang ang ibinibigay ni Lorie sa kanya. Dito niya nakilala ang ina at kapatid nito. Kita niya ang kapatid nitong si Lawrence ang pamamayat ang ilang pasa sa braso gawa ng galing ito sa ospital. Alam niyang hiyang hiya ang dalaga na sardinas lang ang naihain sa kanya. Wala naman siyang problema sa pagkain. Katulad ng sinabi niya, galing siya sa hirap. Natuwa siya dahil mahilig pala sa libro an kapatid nito. Marami silang napag-usapan ni Lawrence tungkol sa libro hanggang sa hindi niya namalayang pasado alas diyes na pala ng gabi. Dahil dito ay napagpasyahan na niyang umuwi. “Hindi na po ako magtatagal. Nice meeting you po,” sabi niya sa nanay at kapatid ni Lorie. “Maraming salamat sa paghatid sa anak ko,” sabi ng ginang sa kanya. “Walang anuman po,” sagot niya. “Ihahatid na kita sa labas ng eskinita, Kiefer,” sabi ni Lorie sa kanya. “’Wag na, Lorie. Kaya ko naman na besides kabisado ko naman ang daan,” sagot niya. “Pero baka mapag-tripan ka ng mga nag-iinuman diyan,” sabi ng dalaga. “Hindi iyan. Sige na, magpahinga ka na. Maraming salamat sa dinner.” Nagpaalam na siya at tumalikod na. Mabuti na lang sa paglabas niya ay hindi siya pinansin ng mga nag-iinuman. Paglabas niya ng eskinita ay naghihintay na ang kanyang kotse kasama ang kanyang driver. Mabilis siyang nagpahatid sa kanyang bahay. Pagdating sa kanyang bahay ay mabilis siyang nahiga sa kanyang couch. Natawa pa siyang pahagya dahil naamoy niya pa ang saridnas sa kanyang hininga kaya kumuha siya isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. Ngayon niya naiintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagsisipag si Lorie sa trabaho. Nais nitong iahon sa hirap ang pamilya nito. “Sino ba ang hindi gustong umahon? Pinalad na lang ako dahil sa time machine. Teka, ilang linggo na din akong hindi ginagamit ang time machine.” Tumayo siya at nagtungo sa basement. Pagpasok niya ay binuksan niya ang ilaw at pinagmasdan ang time machine. May mga ilang buton siyang pinindot at muling umilaw ito ng kulay asul. Pumasok siya sa loob at nabalutan ng usok ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD