Chapter XII

1113 Words
Hindi malaman ni Lorie kung bakit ganoon ang kanyang naramdaman nang sabihin ni Kiefer na siya ang nagtayo ng village na ito for the elderly people. Hindi niya mapin-point kung ano ba ang nararamdaman niya. Pagkamangha ba, masaya, o kilig? Teka, bakit may kilig? Kinikilig ako? Hindi niya akalain na may ganitong side pala ang kanyang boss. Noong nasa opisina sila kanina ay para itong dragon na mangangain ng tao pero ngayon ay tila anghel ito lalo na sa mga mata ng mga matatanda. Aaminin niya, masaya siya na isinama siya ng kanyang boss dito. Siguro nga stress na stress na ito si Sir Kiefer kaya ganoon na lang ang outburst niya kanina sa meeting. Sa palagay niya ay unti-unti na niyang naiintindihan ang kanyang boss. Matapos siyang ipasyal ni Kiefer sa village ay bumalik sila sa kubo at naabutan si Osma at Lola Igma na nagliligpit ng mga pinagkainan. Nakita niyang may binubuhat ang matanda kaya hindi na siya nagdalawang isip na lumapit at tinulungan ang matanda. “Naku hija! Madudumihan ka!” sabi ni Lola Igma sa kanya. “Hindi naman po,” sagot niya. Tinulungan niyang buhatin ang kaldero pababa ng kubo para mahugasan ito. Nakita niya si Kiefer na tinutulungan si Osman a magligpit ng mga paper plates at punasan ang sahig ng kubo. “Ang ganda-ganda ng damit mo tapos madudumihan ka lang,” sabi ni Lola Igma sa kanya. “Pwede namang labhan lola,” sagot niya. “Ako na po maghuhgas nito,” dugtong pa niya. Sa likod ng kubo ay may isang drum ng tubig doon at may lababo. Ang suot niyang sleeves ay nirolyo niya pataas hanggang sa kanyang siko at sinimulang hugasan ang malaking kalderong iyon. “Sanay-sanay kang maghugas ah,” sabi ni Lola Igma. “Opo. Marunong ako ng gawaing bahay,” sabi niya. “Ay eh ‘di maganda. Hindi spoiled ang mapapangasawa ni Kiefer,” sabi nito. Mabilis siyang napalingon. “Po?! Naku Lola Igma, mali po kayo ng iniisip,” sabi niya. “Anak mayaman ka ba?” tanong ulit nito sa kanya. “Hindi po. Sana nga Lola Igma anak mayaman ako. Nanay ko po labandera and vendor po sa may simbahan,” sabi niya. “Mukha kang anak mayaman eh.” Natawa siya sa sinabi ni Lola Igma. “Mukha lang pero hindi talaga.” Sabay silang nagtawanan ng matanda. Ilang minuto ding nagkaroon ng katahimikan sa kanilang pagitan ni Lola Igma. Habang naghuhugas ng kaldero ay para bang sinusuri talaga siya nito. “Alam mo ba hija, ikaw palang ang dinalang babae ni Kiefer dito?” sabi ni Lola Igma. Mabilis siyang napalingon sa sinabi ng matanda. “Po? Ako palang po?” tanong niya. Napaisip siya. Bakit siya palang? Imposibleng hindi ito nagsama ng ibang babae lalo na kung girlfriend. “Oo ikaw palang. Matagal na nga namin na gusto siyang mag-asawa. Kaya ganoon na lang ang tuwa namin nang makita ka. Kaya akala namin asawa ka or nobya ni Kiefer. Kaming mga matatanda, sanay na kaming mag-isa. Dapithapon na kami, wala na din namang magulang iyang si Kiefer kaya natatakot kami na baka maiwan na naman siyang mag-isa. Walang kasama, walang mag-aalaga. Ang hiling ko lang sana, bago ako mamahinga ay makita ko ang mapapangasawa ni Kiefer,” paliwanag sa kanya ni Lola Igma. “Hala Lola Igma, ‘wag ka naman ganyan magsalita. Gusto ni Kiefer na humaba pa ang buhay mo,” sagot niya. “Kahit gustuhin niya pa, kung hanggang dito na lang ako wala na siyang magagawa pa. Basta ang nais namin loahat dito ay makakilala siya ng mabait na babae na mag-aalaga at magmamahal sa kanya.” “Wala naman poong imposible sa gusto niyo, Lola Igma.” “Sana ikaw na ang hinihintay namin,” pagbibiro ni Lola Igma. “Naku po Lola! Imposible ‘yan!” sigaw niya. Namutawi ang tawanan nilang dalawa. “Kumusta ang experience mo with the elders?” tanong ni Kiefer sa kanya. Napangiti siya at naalala ang usapan nila ni Lola Igma. “Masaya. Ngayon lang ako nakahalubilo ng mga matatanda,” sagot niya. “Kapag naiis-stress ako, doon ako nagtutungo. Kapag nandoon ako feeling ko ang gaan-gaan ng mga bagay-bagay,” sabi ni Kifer sa. “Ramdam ko din. Para bang walang problema ang mga tao doon,” sagot niya. “I was mad earlier kay Ivan. Tama ka ng sinabi mo I am perfectionist. Gusto ko kasi perfect ang company ko, na walang makikitang flaws dahil ayokong maliitin tayo ng ibang mga kompanya. My company is not that old, bagong tayo lang ito. We rise out of nowhere kaya nagtataka ang ibang company. We managed to be on top 10 of real estate corporations. Ayaw kong may masabi ang ilang companies about sa Land of Dreams. Matagal kong pinangarap ang company na ito. Kung lulubog ang company, mawawalan ng funds ang village. Iyon ang ayaw ko mangyari,” paliwanag nito sa kanya. Siguro nga nadala siya sa emosyong ipinapakita ng binata sa kanya. Wala sa sairli niyang hinawakan ang kanang kamay nito na nakapatong sa gear shift. “’Wag kang mag-alala. Hindi iyan mangyayari. Naiintindihan na kita, Kiefer. Patuloy kang magtatagumpay sa buhay. Hindi lulubog ang Land of Dreams. Hahaba pa ang buhay ng mga elders, magtatagumpay ka,” sabi niya. “Salamat, Lorie.” Nasa may intersection sila nang ma-realize niyang malapit na ito sa bahay niya. Kaya naisip niya na dito na lang siya baba at lalakarin na niya papasok sa kanilang bahay. “Kiefer, dito na ako,” sabi niya. Nagulat naman ang binata sa kanya. “Ha? Anong dito ka na?” tanong ni Kiefer sa kanya. “Dito na lang ako. Malapit na lang dito ang bahay ko,” sagot niya. “O ihahatid na kita.” “’Wag na! Saka hindi makakapasok ang sasakyan mo sa loob kasi maliit na eskinita lang iyon.” “Madilim na, delikado na.” Umiling siya. “Okay lang ako. Sanay naman na ako dito,” sabi niya. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng binata at mabilis na tinanggal ang seatbelt at bumaba ng kotse. Nagpaalam pa siya kay Kiefer at saka tumalikod na. Pagliko niya sa isang gusali ay pumasok siya sa maliit na eskinita. Madili pero sanay na siya sa lugar na ito. Paglabas niya ng eskinita ay sinalubong siya ng mga nag-iinumang lalaki sa gilid. Dere-deretso lang siyang naglakad kahit pa naririnig na niya ang mga pagsipol ng mga ito sa kanya. Pagpasok niya ng bahay ay naabutan niyang nagluluto ang nanay niya. Napatingin siya sa kanyang bitbit at ngayon lang niya napagtanto na nabitbit niya pala ang blazer ng kanyang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD