Chapter XV

1033 Words
Hindi siya sanay na makitang malungkot ang dalaga. Hindi siya sanay na tahimik lang ito basta at may malalim na iniisip. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. “Go on, I will listen to you. Ituring mo akong kaibigan mo,” sabi niya pa. Ngumiti ng tipid si Lorie sa kanya. “Kaibigan naman po ang tingin ko sa iyo, Sir Kiefer. Okay lang po talaga ako. ‘Wag po ikaw mag-alala,” sagot ni Lorie sa kanya. Mabilis siyang umiling. “Kung iniisip mo na nagiging abala ka sa akin, don’t. Hindi ka abala at bilang boss mo, tungkulin ko ding makinig sa empleyado ko,” sabi naman niya. Tumingin ng maiigi si Lorie sa kanya at saka napabuntong hininga. Tumayo siya at naupo sa tabi ng dalaga na nasa couch. “Sa totoo lang kasi Sir, may taning na ang buhay ng kapatid ko. May sakit siyang luekemia,” pagsisimula ni Lorie. “Kaya ba naghahanap ka ng ibang trabaho noong nasa café ka?” tanong niya. Tumango naman ang dalaga sa kanya. “Ilang buwan ng nasa ospital ang kapatid ko. Gusto ko talaga siyang gumaling kaya kahit mahirap ay kinakaya ko para matustusan ang mga gamot niya. Pero sinabi ng doktor na walang pagbabago bagkus ay mas lalong lumalala. Nagkakaroon daw ng resisitance ang katawan niya sa mga gamot. Kagabi lang ay kinausap na ako ng kapatid ko, tanggap na niya na hindi na siya gagaling. Gusto na niyang umuwi. Sa una ay ayaw ko pero hindi ko matanggihan ang gusto niya. Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang kagustuhan niya. Naisip ko, na baka ako lang ang may kagustuhang mabuhay siya. Hindi ko kasi matanggap ang nangyari sa kapatid ko. Nagulat na lang ako noong isang araw na bumagsak ang pangangatawan niya. Nang ipatingin ko ay doon namin nalaman na may sakit siyang cancer.” Sa pagkukwento ng dalaga ay hindi nito napigilang maluha. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ni Lorie at pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya dahil dito. Ayaw niyang makitang lumuluha ang dalaga. Pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga. “Nasa bahay na siya ngayon?” tanong niya. Tumango si Lorie sa kanya. “I know na mahirap ang sitwasyon mo. Hindi ako magaling mag-comfort ng tao. Hindi ako marunong mag-empathize pero all I can do is to listen to you. Kung kailangan mo ng makakausap, don’t hesistate to talk to me. Alam mo kasi, mas maganda na may pinagsasabihan ka ng problema mo para kahit papaano ay makahinga at lumwag ang kalooban mo,” sabi niya. Ngumiti ng tipid si Lorie sa kanya. Inabot niya ang isang box ng tissue sa dalaga at malugod na tinanggap ito ng dalaga. “Wipe your tears, ayaokong nakikita kang lumuluha,” sabi niya pa. “Ang pangit ko umiyak,” sabi ni Lorie. “No!” sigaw niya. Nabigla naman ang dalaga sa kanya. Well, maging siya ay nabigla din. “I mean hindi ka pangit. Kahit na lumuluha ka, you’re still beautiful. Its just that I don’t want to see you crying. Pakiramdam ko, pinipiga ang puso ko,” sabi niya. Napakurap-kurap ang dalaga sa sinabi niya. Halatang naguguluhan sa kanyang sinabi pero dinaan na lang niya sa ngiti. “If you want, I can give you a leave. Bigyan kita ng one week leave,” sabi niya pa. Pero mabilis na umiling si Lorie sa kanya. Alam niyang hindi pa gumagaan ang pakiramdam ng dalaga. Nandito pa din ang mabigat na awra. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Lorie. “Come, may pupuntahan tayo.” “Po?” “Basta tara.” Hinatak na lang niya ang dalaga patayo at lumabas ng opisina niya. Sumakay sila ng elevator at pinindot niya ang pinakahuling button. “Saan po tayo pupunta?” tanong ni Lorie sa kanya. Ngumiti siya at kumindat pa. “Secret,” sagot niya. Pagbukas ng elevator ay lumapit sila sa isang pinto ay itinulak niya ito para bumukas. Pagkabukas ng pinto ay sinalubong sila ng malamig na hangin. Napapikit pa silang dalawa dahil sa lakas ng hangin. Hindi niya maiwasang mahiya dahil napapansin pala ng kanyang boss ang kanyang inaasal. Ginagawa naman niy ang lahat maguing productive lang. Hangga’t maaari ay gagawin niyang abala ang sarili upang hindi sumagi sa isip niya ang kanyang problema pero may mga pagkakataon talaga na maiisip at maiisip ito. Mabuti na lang at mabait ang kanyang boss. Taliwas talaga sa mga naririnig niya sa ibang emplaydo at sa inaasal ni Kiefer sa kanya. Hindi niya akalain na makikinig ito sa kanya. Noon kasi, kay Anya lang siya nakakapagsabi ng kanyang mga hinanaing sa buhay. Ngayon ay mismong boss niya pa ang nag-alok na makikinig ito sa kanya. Habang nagkukwento siya ay hindi niya maiwasang maluha. Hindi naman na din niya kasi alam ang gagawin. Sa totoo lang, natatakot siya na baka isang araw ay uuwi siyang wala na ang kapatid. Hindi niya alam kung aabutan pa ba niyang buhay ang kapatid o hindi. Nagulat na lang siya nang hawakan ni Kiefer ang kanyang kamay at lumabas ng opisina. Habang nasa loob sila ng elevator ay hindi binibitawan ng binata ang kamay niya. Hindi niya alam kung bakit pero dama niya ang init na taglay ng kamay nito na tila gumagapang papunta sa kanyang puso. Aaminin niya, komportable siya sa ginagawang paghawak nito sa kanyang kamay. Pagdating nila sa pinakahuling floor ay itinulak nito ang isang pinto. Sumalubong ang malamig na hangin at mabilis siyang napapikit sa takot na baka mapuwing siya. Nang tila kumalma ang paligid ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang isang nakapagandang tanawin. “Wow!” ang tanging nasabi niya. Lumingon siya kay Kiefer at nakangiti ito sa kanya. “You like it?” tanong ni Kiefer sa kanya. Mabilis siyang tumango. Wala siyang ideya na may ganitong lugar pala sa building nila. “Kapag may problema ako or if I am having a bad day, dito ako nagpupunta. Dito ako nagmumuni-muni especially kapag hindi ako nakakapunta sa village. Isa ito sa escape places ko and I am sharing this with you.” Pakiramdam niya, hinaplos ang kanyang puso dahil sa sinabi ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD