Kinaumagahan ay halos walang kibuan ang mag-inang Tesa at Liam. Na tila ba gumagalaw lang sila sa bawat sulok ng bahay nila tila ba hindi napapansin ang bawat isa. Na taliwas sa nakasanayan nilang mag anak sa tuwing umaga at may pasok sila sa eskwelahan. Subalit sa kabila nito ay ginampanan pa din naman ng magandang ginang ang kanyang tungkulin sa kanilang tahanan. Bilang nanatili pa ding ilaw nito at Nanay naman para sa kanilang lahat. Na gaya din ng pagluluto niya para sa babaunin ni Liam at Tin at ganon din naman ang kakainin nila ng sabay sabay sa kanilang agahan. Habang si Liam naman ay patuloy na gawin muna ang kanyang mga obligasyon, gaya ng pagpapatuka ng mga manok ng Kuya niya, pagpapakain sa mga baboy at pagdidilig din naman sa mga tanim na gulay nila sa medyo malawak din nama

