Tumugon naman ng ngiti si Anton at Liam sa napakagandang si Tesa. Bago naman muling hinarap ng Binatilyo ang kanyang Kuya na ngayon ay ganap ng Ama-amahan niya. "Tunay na napakaganda ng iyong Asawa, Tay. Kaya naman masasabi kong napakapalad mo, dahil nagbunga ang lahat ng pagsisikap at pagsasakripisyo mo para sa ating lahat..." sambit pa ni Liam bago naman muling bahagyang yumakap ito kay Anton. "Tama ka Liam, kaya naman marahil ay lubos na nauunawaan mo na wala akong ibang pinangarap kundi si Tesa lang. At ngayon natupad ang pinakamimithi ko ay ipinapangako ko namang mas magpapaka ama ako para sa inyong lahat..." halos maiyak pang turan ni Anton sa nakakabatang kapatid. Marahan namang tinapik tapik ng Binatilyo ang Ama-amahan niya at, "Isang oras lamang Tay, isang oras lamang na pag-u

