Sa patuloy na paglipas ng mga araw ay tila nakasanayan na din Liam at Tintin ang bagong buhay na meron na sila. Unti-unti ay itinuring na din naman nilang Ama si Anton, gaya ng hiling kanilang Ina. Na bagamat medyo naasiwa pa din sila sa mabilis na pagbabago buong puso namang tinanggap ito ni Tintin at nakita pa nga niya ang kabutihan ng mga pangyayari sa kanila. Dahil ngayon ay may Ama na ulit siya na gumagabay sa kanila. May Ama na din silang mas tinitiyak ang kapakanan nila bilang isang Pamilya. Dahil buong pusong pinanindigan ni Anton ang pagiging isang ganap na Padre de Pamilya para sa kanila. Dahil sa mas ipinamalas pa nitong kasipagan at pagtataguyod sa kanilang lahat. Na kung dati ay nakatutok lang siya sa pagtatrabaho, subalit ngayon ay naglaan na din ito ng oras para sa mga k

