Mabilis naman siyang tumalikod sa Binatilyong Anak, at napapailing nalang sa kaisipang ngayon rektahan na siyang binabastos ng Anak. At isisi din naman sa kanyang sarili bakit nga ba nauwi sila sa ganito. At ito ay dahil sa pakikipag relasyon niya kay Anton. At sa bagay na ito masisisi nga ba niya ang Pangalawang Anak? "Nay kanina pa po kita hinihintay eh, kasi nga biglang nagising kanina si Bunso. Tapos natakot ako bigla dahil wala ka." Halos mapaiyak pang pagbibida sa kanya ni Tintin. Dahilan nga upang mapayakap ito sa kanya. "Patawad Anak, naligo lamang kasi ako. Ngunit masaya akong malaman na kaya mo naman palang patulugin ulit si Bunso diba?" Masiglang tugon pa ni Tesa sa babaeng Anak. Mabilis namang itong napakamot sa batok at agad namang yumakap sa kanyang Ina. "Pero Nay, na

