Sa pagputok ng bukang liwayway ay sinapit nila Anton ang dalampasigan. At gaya din naman ng nakasanayan nila, ay naroroon na ang mga babaeng maybahay nila at sabik na naghihintay sa kanila. May mga ngiti sa mga labi at kay sayang mga mukha na muli ay makakapiling nila ang haligi ng kanilang tahanan na sumuong sa panganib ng dagat para sa lang sa ikabubuhay nila. "Madami tayong huli!!!... Marapat na lumapit na kayo rito upang makatulong namin pagbababa ng mga banyera!" Sigaw pa ng isa sa mga kasama ni Anton sa bangka matapos itong halos tumalon sa dalampasigan ng dagat at hindi alintana ang lamig ng panahon. Ang nanunuot na kurot ng hanging amihan sa isang madaling araw na umaga. Habang may dalawang kababaihang, masayang nakamasid mula sa malayo. At sabik na pinagmamasdan ang mga minama

