NHEJOY's P O V " Mamili ka na kung ano ang gusto mong pasalubong para sa mga kapatid mo. " mahinahong utos ni Sir Rave pag pasok namin sa isang mall malapit sa building ng kumpanya nila. Inutusan niya kasi si Mang RC na dumaan nga rito. Akala ko naman ay may bibilihin siyang personal na gamit. Kaya naman hindi pa ako nakaka huma sa kanyang binanggit. " P- Po? " napa- igtad pa ako nang mag salita siya ulit Kaya maraming gitla sa noo na inulit niya ang ni- wika kanina. " Hu- Huwag na ho, Sir. Wa- Wala nga ho a- akong pe- pera. " nauutal ko pang tugon sabay kagat sa ibabang labi ko " Sinabi ko ba sa'yo na ikaw ang mag babayad?! " iritable na nitong wika " Ho!? Naku! Mas lalong h'wag na ho dahil hindi pa ho ako bayad sa Mommy ninyo! " mabilis ko namang pigil sa kanya at pinigilan

