THIRD PERSON's P O V " Humanda ka sa akin pagkatapos ng operasyon ko. " " Humanda ka sa akin pagkatapos ng operasyon ko. " Ilang beses na nagpa balik- balik iyon sa balintataw ni Nhejoy. Habanh nag- iisa sa loob ng silid kung saan nag papagaling ang kanyang binatang amo. Inabot din ng ilang oras ang operasyon bago ito dinala rito nga sa private room na kinuha ng pamilya nito. Hatinggabi na kaya siya na lamang ang nandirito, babalik na lamang daw bukas ng umaga ang Mommy nito. Hindi naman naka usap ng pamilya niya si Rave dahil tulog pa ito nang ilipat ng silid. " Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Ano naman ang dapat kong pag handaan? Iyong pag lalakad niya nang matulin? Ang pagiging lakwatsero nito o hindi siya magkakanda ugaga sa kakautos nito? " iyon ang gumugulo sa isipan niya "

